SA PAGLIPAT NIYA SA VIVA: Xian Lim, masama ang loob sa Star Magic dahil nganga ang karir!

XIAN LIM

NAGING USAP-USAPAN sa social media ang tungkol sa biglaang paglipat ni Xian Lim mula sa management ng Star Magic to Viva Artists Agency (VAA) sa pamumuno ni Veronique del Rosario.

Walong taon na pala si Xi sa Star Magic kung saan dahil sa pangangalaga  ng talent management arm ng ABS-CBN ay  nakilala siya as Xian Lim na kung saan-saan siya dinala ng kanyang popularidad na nilikha ng kanyang management company sa pamumuno ni Mr. Johnny Manahan na mas kilala sa tawag na Mr. M.

Sa paglipat ni Xian sa kuwadra ng VAA, hindi isinaalang-alang ng binata ang loveteam nila ni Kim Chiu na binuo at nabuo dahil sa Star Magic.

Sa ganang akin, gayong dedma si Xi sa loveteam nila ni Kim na alam niya na malabo na manumbalik lalo pa’t sa ibang kampo na siya, dapat siguro ay mag-move on na ang mga KimXi fans dahil malabo na ang pangarap nila na magkakaroon pa ng chance na magkasama muli ang KimXi sa telebisyon or pelikula.

Xian Lim and Kim Chiu

Dahil ang showbiz ay negosyo: Sa tingin nyo ba ay kukunin pa ng ABS-CBN or Star Magic ang serbisyo ni Xian? I think hindi na. Doon na sila sa mga talents nila sa Star Magic.

Balita ko, naiinip si Xian kaya siya lumarga at iniwanan ang Kapamilya Network.

Ano opinyon ng KATG sa usaping ito?

Narito ang opinion ng ilan sa kaganapan sa career move ni Xian.

Ayon sa IG post ni @xhirose_fernado24: “In a showbiz world i think it’snormal to get separated from a love team. nTo grow individually as an actors..at saka he is still ABS CBN, so walang reasons para di sya kukunin..dahil showbiz is a “Business” so kung this time wlaang offer ang Starmagic na work for him at ang Viva meron I think there is nothing wrong about it para di nya tanggapin as long as maganda yong pamamaalam nya sa Head ng Starmagic..ang importante my work sya at kumikita sya for his family.”

Ayon naman kay @loli1543I: ’I’m gonna share my 2 cents even though the fans of the artist who transferred to Viva would probably not like what I have to say. Why would ABS-CBN give him a project when he has not been consistent in making money for Star Magic or ABS? Weak following and the level of charisma cannot compete with his contemporaries. He also appears to lack interpersonal relationship skills and acts cheap. Just my opinion. For the fans, no need to send your rebuttals. I’m not asking you to agree or accept my views. Save your energy.”

Xian Lim with his new Viva Family (Vic del Rosario, Veronique del Rosario & June Torrejon)

Sabi naman ng karamihan sa mga solid Xian Lim fans ay susuportahan pa rin nila ang kanilang idol kahit umalis na ito sa Kapamilya Network.

Sa paglipat ni Xian sa VAA at pagpirma ng kontrata sa Viva Films ay isinama siya kaagad sa pelikula nina Sarah Geronimo at James Reid na “Miss Granny”.

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.