Sa paglipat ni Mariel sa TV5…Toni Gonzaga, dedma lang?

MATAGAL NANG MAGKAIBIGAN sina Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez dahil parati silang nagkakasama sa trabaho sa bakuran ng Dos at sa paglipat ngayon ni Mariel sa TV5, tila dedma lang daw ang multi-media star ayon sa mga mahadera? Sinabi naman ni Toni na desisyon ‘yon ni Mariel at irespeto na lang ang desisyon ng TV host, hindi rin daw niya alam ang desisyon nito. At kahit daw alam niya, hindi maganda na sa kanya pa manggaling ang balita. Oo nga naman, hindi magandang malaman sa iba ang ginawang hakbang ng asawa ni Binoe kaya huwag nang palakihin ang isyu. May mga nakapagbulong naman sa amin na kaya raw natsitsismis na dedma lang itong si Mareng Toni sa pag-alis ni Mariel eh, dahil may iba pang dahilan? Hmmm… ano sa tingin n’yo, mga kaparazzi?

Photos by Luz Candaba, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

One thought on “Sa paglipat ni Mariel sa TV5…Toni Gonzaga, dedma lang?

Leave a Reply

Your email address will not be published.