Sa paglala ng hiwalayan nila ni Raymart Santiago
Claudine Barretto, pinagdududahan na rin ng mga taong malalapit sa kanya?!

ISA SA mga araw na ito ay magsasalita na rin si Raymart Santiago tungkol sa hiwalayan nila ni Claudine Barretto.

Hindi na mapigilan at lumalala na ang isyu, dahil nag-file na si Claudine Baretto ng Temporary Protection Order laban kay Raymart.

Nu’ng Lunes ng umaga siya nagsampa sa Marikina-RTC at alam ko kahapon ng hapon ay nagkaroon na ng hearing,

Umiiyak pa raw si Claudine nang magsumpa ito sa kasong isinampa niya.

Ang sabi raw ng abogado niya na si Atty. Ferdie Topacio, pakiramdam daw ni Claudine hindi na siya safe kahit sa sarili niyang tahanan.

Ano kaya ang ginawa sa kanya ni Raymart? Nakausap ko naman si Raymart at ewan ko lang ha? Parang naniniwala ako sa aktor.

Magsasalita rin daw siya sa tamang panahon. Sa ngayon, nakikipag-usap pa ito sa mga abOgado niya para harapin nila ang kasong ito.

Meron pa nga raw silang video na sinabi ni Claudine na maaaring lumabas daw sa kampo ni Raymart.

Makakausap ko rin si Raymart at magsasalita rin ito sa Startalk para maipagtanggol naman niya ang kanyang sarili.

Base sa mga nakakausap ko, parang mas naniniwala sila kay Raymart, eh.

Kahit nga raw ang ibang taong malapit kay Claudine ay parang ayaw nang maniwala sa kanya, dahil hindi na raw nila alam kung alin ang totoo sa mga sinasabi niya.

Nakakapanghinayang lang, dahil ang dami nang pinagdaanan ng relasyon tapos ngayon parang ang bilis nawala ang love nila sa isa’t isa.

Ganu’n lang kadali ‘yun o matagal na ang problema nilang mag-asawa, kaya umabot na sa hiwalayan?

Sayang lang talaga!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

6 thoughts on “Sa paglala ng hiwalayan nila ni Raymart Santiago
Claudine Barretto, pinagdududahan na rin ng mga taong malalapit sa kanya?!

  1. HAY NAKU! SAMANTALANG NUNG KINASAL SILA WALANG PUKNAT NA IYAKAN AT SUMPAAN NG PAG IBIG ANG MGA PINAGSASABI NILA….TAPOS NGAYON NAGKADEMANDAHAN NA??NUH BA YAN>>

  2. Very sad naman ang nangyari sa magasawang ito.for sure up to the max ang siraan nila 2,maybe ang tuwa ni greta and marj huwag nman sana,at the end of the day magkakadugo sila,nagiisa si claudine sa laban niya,so talo sya.But,pray CB that LORD will defend you and your kids in your battle v/s RS and his families,their evil doings may depart away from you.Hope people around you 2 will pray for you.

  3. Ay naku bias na naman si ka lolita,ke wala o mayron maniwala kay claw,wala ka ng pakialam don unless binigyan ka ng pera ni dramatic actress claudine or action star raymart.akala ko namatay na si ate swarding pumalit si ka lolita,napaka nega,kelan ka ag bibigay ng magandang news lolita babes.anyway God bless you all,and good luck sa inyong magasawa

  4. This case is getting worse and expect Claudine for a self-destruction. Tama yung sinasabi na may sakit sa utak ang babaeng ito na kahit asawa ay di nya pinalampas. Sa dami ng kasalanan ng babaeng ito, lumalabas na ang karma sa kanya. Sabi ng fans niya ipagtatanggol daw siya ni Rico Yan. Alam ba ninyo ang sinasabi nyo? Namatay si Rico na may hinanakit sa  babaeng yan. Do  I need to say the abortion issue? Gumising nga kayo. Yung mga followers kasi nitong babaeing ito eh me mga tama rin sa utak.

Leave a Reply

Your email address will not be published.