Sa pagladlad ng apo sa national TV
Lola ni Charice, nagkasakit sa sama ng loob

TAPOS NA yata ang isyung hiwalayan nina Ai-Ai delas Alas at Jed Salang dahil nagsulputan na ang kung anu-anong malaking isyu, ha!

Isa na rito ang pag-come out ni Charice na isa nga siyang tomboy.

‘Yun na lang naman ang hinihintay ng lahat dahil nakikita namang tibo nga siya at lalo pang napag-usapan nang umalis na ito sa poder ng Mommy niya at sumama na raw ito sa napabalitang dyowa niyang si Alyssa Quijano.

Sa interview sa kanya ni Boy Abunda, doon na niya inilahad lahat.

Ang hinihintay na lang ngayon ay ang mga sasabihin ng Mommy niya at ng lola na nakasamaan niya ng loob.

Nakausap ng Startalk ang lola ni Charice at masamang-masama raw ang loob nito. Parang ayaw pa nga niyang magsalita dahil nagkasakit na ito sa sobrang sama ng loob.

Sabi raw ng lola ni Charice, tanggap na tanggap naman daw siya sa desisyon nitong pag-out. Sino pa nga raw ba ang puwedeng umintindi sa kanya kundi ang pamilya niya.

Lalo na raw ang lola niya na dinig ko isa rin daw itong tomboy, kaya siyempre maintindihan din nito.

Kaya, bakit pa raw sa TV siya unang umamin? Bakit hindi raw nito binukas muna sa kanyang pamilya, dahil sila naman daw ang unang makakaintindi at susuporta sa kanya.

Sa ngayon ay nakatira raw si Charice kay Alyssa Quijano na sinasabi nitong inspirasyon niya. Pero sana magkasundo na sila ng Mommy at ng lola niya.

Kahit nakuha na niya ang kalayaan sa tunay niyang pagkatao, iba pa ring tanggap na tanggap ka ng pamilya mo, ‘di ba?

Naku! Abangan n’yo na lang ang update namin sa kuwentong ito.

 

KASABAY NA rin sa pag-out ni Charice, may bagong drama series ang GMA-7 na parang ganito ang tema.

Medyo daring itong gagawin nila na My Husband’s Lover na pagbibidahan nina Dennis Trillo, Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Kuwento ng magdyowang bading na sina Dennis at Tom na dyowa rin si Carla.

Bongga ang plot ng kuwento at kakaiba kaya malamang exciting ito at susubaybayan ng mga manonood.

Ang inaabangan ng mga beki, kung magkakaroon ba ng kissing scene sina Dennis at Tom.

Siyempre, ‘yung puwede lang sa TV dahil nakabantay ang MTRCB ni Chairman Toto Villareal, ‘di ba?

‘Yun na! Abangan n’yo na lang ang My Husband’s Lover sa GMA Telebabad.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

11 thoughts on “Sa pagladlad ng apo sa national TV
Lola ni Charice, nagkasakit sa sama ng loob

  1. juice kwoh! dapat lang na maging tomboy si charice dahil UBOD siya ng fanget! o debah naman lebog?!!! tse!!!

    parang si aiza na ubong ng fanget! kahit tomboy na si aiza, ang FANGET FANGET FAANGGGEETTT!!! pa rin ng hitad huh!!! nagpa kalbo pa! nakakasukah siya sa be careful w/ my heart… dapat alisin na siya dun!!!

  2. mamahalin talaga cy ng alyssa quijano n yan (kahit pagtalikod nakangiwi) s laki b naman ng pera n charice tiyak sunod ang luho ng alyssa n yan, maging yon tinutuluyan ngayon n charice parang nakahukay ng mina ng ginto tiyak libre cila s gastusin s bahay, s mahal b nman ng bilihin ngayon tiyak baka hindi n paalisin c charice s knila. kaya yong mga kamag anak n tunay n charice condolences n lang cnyo.

    • TIBA TIBA SI ALYSSA KAY CHARICE HAHA! PERO PAG NAGHIRAP NA SI CHAROT IIWANAN NIYA RIN ANG TOMBOYITANG YAN

      • tsk tsk tsk wala kasing jowa na lalaki na nag trip kaya ayan…buti pa si aiza naka spencer dati heheh

  3. NAKOH, NOT TO SPITE CHARICE’S LOLA AND MUDRA HA, PERO OVERACTING NA ANG DALAWA. AS IF NAMAN EH MAY NAGAWANG KRIMEN SI CHARICE. AMININ NATIN, DI BA ANG MGA MAGULANG AT MGA GRANDPARENTS, SILA PA ANG UNANG NAKAKAINTINDI AT TUMATANGGAP SA MGA ANAK O APO? DI MO NAMAN SABIHING NALILIGAW NG LANDAS SI CHARICE DAHIL DI NYA NAMAN GINUSTO NA MAGING TIVOLI SYA. DEVAH? 

    MAGPAKATOTOO NA NGA ANG LOLA AT MUDRA NI CHARICE. NAWAWALAN NA KASI SILA NG SUPPLY NG PERA, LALO NA NA LUMABAS NA NA 750 M PESOS PALA ANG PERA NI CHARICE SA BANKO. NGAYON, BIGLANG NAGKAKASAKIT NA? HAHAHAHA. PARANG YUNG DRAMA NG MGA MUDRA AT PUDRA NI HEART. BIGLA RAW NAGKASAKIT KAHIT WALA NAMAN. NAG-ABROAD PA NGA. KALOWKAH! AT ITO NAMANG SI ALYSSA QUIJANO, WELL, SANA NGA TOTOONG MAHAL NYA RIN SI CHARICE AT HINDI LANG PERA ANG NAKIKITA NYA RITO. DEVAH?

  4. Tanggapin ninyo Lola. Bakit naman magkakasakit sa ama ng loob. Bakit krimen ba ang maging TBird? Hindi lang naman si Charice ang nag-iisang TBird sa Pinas. Susmaryosep, eh tao rin naman ang mga Tbird.

Leave a Reply

Your email address will not be published.