Sa paglabas sa rehab Baron Geisler, sinigurong nagbago na siya!

NATUWA AKO SA interview namin kay Ogie Alcasid sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado.

Nakikita mo talagang masayang-masaya sila ni Regine Velasquez na excited na sa kanyang panganganak.

Ikinuwento na rin ni Ogie na kagagaling lang pala nila sa check-up at sa 4D ultrasound nito, nakita na nila ang mukha ng kanilang baby na papangalanan nilang si Nathaniel Joseph.

Proud na proud si Ogie sa kuwento niyang halos kamukha raw niya ang baby. Buti na lang daw at sumunod daw sa ilong ni Regine. Kaya ngayon talagang binabantayan na lang niya ang dyowa hanggang sa panganganak nito.

Nagbakasyon lang siya sandali sa Australia na excited na rin daw ang mga anak niya roon sa pagkakaroon nila ng baby brother.

Kaya sana raw, patuloy pa rin ang pagdarasal ng mga fans na maging safe lang si Regine hanggang sa panganganak nito.

 

NAKALABAS NA PALA ng rehabilitation center si Baron Geisler, at nu’ng napanood ko nga ang interview ni Ricky Lo sa kanya, parang gumuwapo ito at sinasabi naman nitong talagang gusto na niyang magbago.

Sabi nga niya, kung dati ay “Baron-bado” ang tawag sa kanya, ngayon daw ay puwede na siyang tawaging “Baron-bago”.

Gusto raw niyang ipakita sa lahat na talagang nagbago na siya at sana mabigyan nga raw siya ng chance na ipakita ito.

Aware naman daw siyang nakabantay sa kanya ang lahat at inaabangan na lang siya na magkamali at pagtawanan naman siya. Pero kaya raw niyang ipakitang hindi mangyayari ‘yun.

Sinagot naman ni Baron ang tungkol sa hinaharap niyang kaso at ang iba pang atraso niya sa mga nakatrabaho niya.

Humingi ito ng sorry kay Cherry Pie Picache, pero ang hindi lang talaga siya makapag-public apology ay kay Yasmien Kurdi dahil nandiyan pa kasi ang kaso niya.

Siyempre, kung mag-apologize siya kay Yasmien, baka makaapekto ito sa kaso niya sa alaga ko at pati kay Patricia na anak nina William Martinez at Yayo Aguila.

Kaya haharapin na lang daw muna nito ang kaso at hintayin na lang kung ano ang magiging desisyon ng korte.

Ngayong nasa labas na ng rehab si Baron, nami-miss na naman niya ngayon ang mga kasamahan niya sa loob at mga ginagawa raw nila roon. Ang isa sa nami-miss niya ay ang pagbubunot nito sa sahig dahil siya pala ang lider sa grupo na in-charge sa paglilinis ng sala.

Malaking bagay raw ‘yun sa kanya dahil hindi naman niya ito dati ginagawa. Proud siyang nagagawa niya ito na malayo sa ginagawa niya bilang artista.

Kukunin kaya ng GMA-7 si Baron?

 

NGAYONG ARAW NA pala magsisimula si Nora Aunor sa mini-series na gagawin niya saTV5. Kasama niya sina Christopher de Leon at ang anak nilang si Ian de Leon.

Kung excited ang mga fans ni Guy, mas excited sa lahat si Ian dahil ngayon lang sila nagsama-sama uli sa isang trabaho.

Sa totoo lang, daming artistang gustong makatrabaho si Guy, ha?

Sa mga alaga ko lang, nangungulit si Gladys Reyes, pati si Paolo Contis pero hindi naman puwede dahil exclusive siya sa GMA-7, ‘no!

Pati nga pala si Daisy Reyes ay gusto ring makatrabaho si Nora, kaya tuwang-tuwa naman ang Superstar na ganu’n na raw kainit ang pagtanggap sa kanyang pagbabalik.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.