Sa pagkasira ng Tubbataha Reef
P-Noy, Binanatan ng Anakbayan

BINANATAN NG Anakbayan ang umano’y patuloy na pananahimik ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa nangyaring pagsadsad ng barko ng US Navy sa Tubbataha Reef na nagbunsod para masira ang may 10 metrong coral reef.

Sinabi ni Anakbayan National Chairperson Vencer Crisostomo na hindi sapat ang pahayag kamakailan ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte. Nililihis pa aniya nito ang isyu ng umano’y na-ging aroganteng asal ng US Navy.

Kinukuwestyon ni Crisostomo ang tila pag-iwas ng Palasyo na bigyang-pansin ang pagpasok ng US warship sa nasabing protektadong lugar.

Sinabi pa ng Anakbayan na sa ngayon, tanging ang Protected Areas and Wildlife Bureau (PAWB) at ang Tubbataha Management Office ang kumokondena sa pagpasok ng USS Guardian sa lugar nang walang kaukulang permiso.

“Is Noynoy still waiting for the ‘official line’ from the White House and the U.S State Department so that he can echo it, word for word?” ani Crisostomo.

Samantala, sa pahayag naman ni Valte, tumanggi muna itong magkomento nang tanungin kung papanagutin ng bansa ang Estados Unidos sa nangyaring pagkasira ng pinakaiingat-ingatang hanay ng mga coral reef.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.