Sa pagkamatay ng Taiwanese Fisherman: News Blackout, Ipinatupad ng Palasyo

NAGPATUPAD NG news blackout ang Palasyo kaugnay ng pagkamatay ng isang Taiwanese fisherman noong isang linggo matapos ang pamamaril ng ilang kagawad ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Batanes.

Una nang nagpataw ng 72-oras na ultimatum ang Taiwan para humingi ng dispensa ang gobyerno sa pangyayari kundi’y haharangin ang aplikasyon ng mga overseas Filipino worker (OFW).

Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na ipapaabot na lang ng pamahalaan ang anumang komunikasyon sa Taiwan sa proper channel.

Nagdesisyon aniya si Pangulong Benigno ‘Noy-

noy’ Aquino  III na huwag nang ipaalam sa media ang gagawing hakbang para hindi na lumaki ang isyu.

Tiniyak naman ng Malasyo na tuloy ang pagsisiyasat sa insidente.

Samantala, tiwala naman si Lacierda na hindi naapektuhan ang relasyon ng Pilipinas at Taiwan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.