Sa pagkaka-link ni Elmo Magalona kay Lauren Young
Julie Anne San Jose, wala raw siyang pakialam!

MAINGAY NA napag-uusapan lately ang isyung girlfriend daw ni Elmo Magalona si Lauren Young (kapatid ni Megan Young). Siyempre pa, hindi maiwasang matanong tungkol dito ang ka-loveteam ng young actor na si Julie Anne San Jose.

“I guess wala naman po akong say do’n,” sabi ng dalaga. “It’s none of my business. And kumbaga… kung saan po si Elmo, do’n din talaga ako. And if ever po na totoo ‘yong rumor, siyempre ano… I leave everything to the network. Kumbaga, ang goal lang po namin ni Elmo is to entertain a lot of people. And to make them happy.”

May advice ba sa kanila ang GMA-7 na umiwas silang ma-link sa iba alang-alang sa kanilang loveteam?

“No, I don’t think so. Wala naman pong ina-advice sa amin na kailangan bawal magkaroon ng ibang… ‘yong sa personal. Hindi naman po kami pinagbabawalan na magkaroon ng relationship with other people kapag may ka-loveteam. Kasi personal na buhay na po ‘yan na pinag-uusapan, eh.”

Napag-uusapan ba nila ni Elmo ngayon ang tungkol sa pagkaka-link nito kay Lauren?

“I’d rather not comment on that. Hindi pa naman po confirmed kasi.”

May mga fans sila ni Elmo na magagalit sakali ngang totoo ang nabanggit na tsismis. Paano kaya niya ipagtatanggol sa mga ito ang kanyang ka-loveteam?

“Uhm… ang hirap naman ng tanong!” natawa ang young actress. “Siguro pag-uusapan muna namin ni Elmo. ‘Di ba?”

Ayaw raw niyang maunang magtanong kay Elmo about it. Naghihintay raw siyang magkusa ito na mag-open up sa kanya.

“Ako kasi ‘yong tipo ng tao na… hindi talaga ako matanong. Na pipilitin kong pasagutin siya or something. Basta kung ano lang ‘yong lumabas from him. And kung ano lang ‘yong ikuwento niya, iyon lang ‘yon. Ia-absorb ko na lang. Kami ni Elmo, we’re working professionally. Labas ‘yong tungkol sa mga personal na bagay.”

‘Yon na!

 

ISA SI Barbie Forteza sa mga nai-launch na TIMEbassadors ng Uni Silver Time kamakailan. Kasama niya bilang endorsers din ng nasabing time piece si Enzo Pineda at ang iba pang Kapuso tween stars na sina Julie Anne San Jose, Bea Binene, Joshua Dionisio, at Derrick Monasterio.

Marami ang nakapapansin, parang nagbu-bloom na siya nang husto ngayon. Dahil kaya may time na siya para sa lovelife ngayon?

“Wow!” nangiting reaksiyon ni Barbie. “Actually, wala. Wala nga akong time matulog nang sapat. Tuluy-tuloy ang trabaho, eh. And I’m only fifteen pa lang naman. So, bata pa ako para sa mga ganyang bagay.”

Sobrang close na sila ni Derrick. Parang meron nang namumuong espesyal na samahan between them.

“Kasi nga po, araw-araw halos magkasama kami. Kasi gawa no’ng Luna Blanca na taping. Wala pong something special sa amin. At kung sakaling meron man, PR lang po lahat ‘yan!” biro pa niya.

Bagay rin daw sila bilang loveteam.   Ang fans tuloy ng tambalan nila ni Joshua Dionisio, naaalarma na baka maging kaagaw na ng young actor itong si Derrick bilang ka-loveteam niya.

“Actually, kahit ilang beses ko naman pong sabihin sa JoshBie (tawag sa supporters nila ni Joshua) na talagang trabaho lang talaga (kung naipapareha man siya sa iba), eh, ‘yong iba hindi talaga naiintindihan ‘yon. Kaya ayun, hayaan na lang natin. Kasi, kahit anong sabihin ko, hindi nila maiintindihan. Pero abangan nila, kasi may pasabog na ulit ang JoshBie. After Luna Blanca, may project na kami ulit ang magkasama.”

‘Yun naman  pala!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

8 thoughts on “Sa pagkaka-link ni Elmo Magalona kay Lauren Young
Julie Anne San Jose, wala raw siyang pakialam!

  1. Congarts!!! Julie-elmo! nominee for movie flop of all time! wow!!! nasan ang mga fans ng matabang mahaba ang baba na ito at isang mukhang may tama ang utak! at least naka 6 million . pasalamat kayo sa mga kamag anak nyo at maling pagbibilang ng takilyera. kung tutuusib baka mga 10 lang nanood kasama pa kayong bida! bwahahaha

    • try mo gumawa ng movie, baka kahit piso wala kang kitain. bukod sa pangit yang ugali mo malamang pangit din yang mukha mo! 

  2. Me talent nmn c Julie but d porke me talent eh sisikat n…in her case eh malabo pa kesa s tubig kanal ang stardom!!!

  3. ONE FLOP SUMMER STILL SHOWING IN 1 CINEMA NATIONWIDE!!!! HAHAHAAHAHAHAHAHA YAN ANG HOTTERST DAW NA LOVE TEAM NG GMEEWWWWW AT PINAKA SIKAT DAW HAHAHAHAHAH SABI NG DIREKTOR NILA ALA MATANDARNA AT DENG DUNG AT LOVE TEAM NILA HAHAHAHAHAH NGANGA NGAYON ANG MGA TAGA MEGA KAMUNING AHAHAHA

  4. parang walang pakialam ang gma artist center sa mga talents nila, dapat kahit may bf o gf na yung magkakalove team, dapat kahit pilit idedeny nila o magpapakasafe sa mga sagot tungkol sa kaloveteam nila. tanga ni julie anne, parang sya na rin mismo sumisira sa love team nila. ateng julie anne, pag naagaw ni starlet lauren young ang kaloveteam mong si feelingerong kokak na si elmo, patay ka! kaya ka nagkakaproject ngayon dahil sa loveteam nyo ni elmo kaya umayos ka sa mga sagot mo sa interviews mo, kung hindi ka pinagbawalan ng kapuso, ikaw na mismo ang magpakasafe sa mga isasagot mo. be wise julie anne, pupulutin ka sa kangkungan once na umeksena ang starlet na si lauren.

    .

    wow endorser na ang bobitang si barbie fortaleza! teka baka hindi pa alam bumasa ng oras ng utak hangin na hitad na yan?

  5. julielmo fans: sila ang pinakasikat na loveteam sa pinas.. ( ang yayabang anoh.?)

    showing ng movie nila, BIG FLOP..!!

    BOOOOOOM!!!! ang lakas ng basag..
    hahahaha….

  6. MA AT PA SA DALAWANG ITECH NA PINIPILTA CORALES NA SIKAT DAW .. HOY GMA ANIM LANGYATA ANG NAKAKAKILALA SA 2 IYAN AHAHHA WAKE UP FLOP ANG MOVIE NILA OH .. KALOKA !!!!

    • Correction Please walo ,,, repeat eight ang nakakikilala sa kanila pagkat 8 lang ang nanood ng pelikula nila.. Siyam sana lahat di na ibinilang ang surot nung nagbilang kasi di nya nakita.

Leave a Reply

Your email address will not be published.