Sa paghingi ng sorry ni Angelica Gretchen, nabunutan ng tinik!

ANGELICA PANGANIBAN SAID sorry kay Gretchen Barretto.

“Gusto kong humingi ng pasensiya sa mga nabitawan kong salita. Hindi ko siya kilala at hindi niya ako kilala. I was hurt, too… Sana, hindi pa huli para makapag-simulang muli. Kung nasaktan man ako, nasaktan ko rin siya… Sana, maka-build kami ng friendship…”

‘Yun ang maemosyong salitang sinabi ni Angelica sa pag-upo niya sa ‘The Boy Abunda Challenge’ sa The Buzz.

At nabanggit din ni Angelica na isang malaking factor ang kanyang boyfriend na si Derek Ramsay sa patuloy na pagsasabi sa kanya that Gretchen is a good person.

Kaya nga sa tanong sa kanya kung puwede pa kayang maagaw ng iba sa kanya si Derek eh, tawa ang sagot ng dalaga.

“P’wede, pero hindi niya kaya!”

NATAWA RIN KAMI nang mapaamin si Angelica na nagkaroon siya ng co-star na may bad breath.

Natawa rin muna ito nang ihain sa kanya ang tanong at ang tagal pang nag-isip kung ikukumpirma niya o hindi na totoo nga ang nasabing balita. Totoo nga raw na hindi niya kinaya ito!

Kaya, isa sa masarap ding mainterbyu itong si Angelica. No-holds barred!

Kaya, lahat ng tanong eh, nasagot niya at hindi niya kinailangang mag-walk-out sa ‘The Boy Abunda Challenge’!

AGAD-AGAD DIN NAMING nakausap si Gretchen (Barretto) sa taping ng Magkaribal sa SOFA sa Makati.

Hindi nga raw nito napanood ang The Buzz kaya may mga nagparating lang sa kanya sa mga tinuran ni Angelica. At ang initial reaction nga raw niya eh, pagkatuwa. And she felt relieved.

Nu’ng bago lang kami dumating sa nasabing set niya naman pinanood sa YouTube ang naturang interview. At tuwang-tuwa nga raw siya.

“I treat it as a blessing. I have Derek as a good friend. Now, I have Angelica. Yes, I’m accepting her as a friend. I love her already. Kung naging emosyonal man siya, she’s an artist, eh. We all are. Lahat kami emotional. She really feels it. And it is never too late! I am just so willing to be her friend. Like I always say, this is not the time for war.”

So, hindi na niya magagamit ang mga katagang, ‘you want war? I’ll give you war!’?

“Hindi na. I’ll give her stillettos. We’ll go to war together. We’ll fight together. Ha-ha-ha. I know she’s crazy, too. Definitely, we’ll have a lot of fun.”

Binalikan kung meron din ba o naging matindi rin ba ang sama ng loob niya kay Angelica that time?

“I don’t really like to dwell in the past. Tapos na ‘yun, eh. Right now, I just want to enjoy the moment. When I was starting in the business, akala ko talaga, gatungan lang nang gatungan ang mga tao rito para mag-away-away. But we have friends. Marami kaming common friends na I’m so thankful talaga na I can say, contributed din to this. Nag-worry rin lang ako for a time na baka ma-affect lang ang friendship namin ni D (Derek). Life is too short for anything that’s negative!”

At kung sakali nga raw na pagsamahin sila sa isang future project ni Angelica eh, very much willing siyang gawin. Kailangan nga lang na mangyari ‘yun after na ng Magkaribal, dahil ang alam daw niya eh, mae-extend pa ito dahil na rin sa magandang ratings at reviews na nakukuha sa mga manonood.

Kagagaling lang ni Gretchen sa Paris kung saan sinundo niya ang kanyang mag-ama. Dumalo sa isang French summer camp ang anak niyang si Dominique at sinamahan ito ni Tonyboy.

So, mas marami na naman ba tayong makikitang mga bagong gamit si Victoria (her character) sa nasabing soap?

“I am not married to any brand, like I always say. I buy lang what i like. But yes, I bought enough para magamit ko.”

May pasalubong ba siya sa mga co-stars niya?

“Wala. Ha-ha-ha! I bought lang things for Victoria. Siya lang ang pinag-shopping ko!”

At nagmumura namang talaga ang YSL (Yves Saint Laurent) necklace and ring niya sa interview with matching Miu Miu red shoes.

HINDI PA RIN masabi ni Zanjoe Marudo ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ng inalayan na ng pag-ibig on national TV ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez.

Kahit na may mga choices na sa puwedeng maging dahilan sa naturang break-up, ang sinasabi na lang ni Zanjoe eh, magiging masaya na siya for Mariel kung masaya na ito.

Hindi raw third party. Hindi rin daw pamilya. Lalo’ng hindi raw sa pagiging focused niya sa career niya.

Kayo ba, alam n’yo? O, may maidadagdag pa kayo?

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

4 thoughts on “Sa paghingi ng sorry ni Angelica Gretchen, nabunutan ng tinik!

  1. DAPAT HUMINGI DIN NG SORRY ANG PLASTIC SURGEON NI GRETA DAHIL NAGMUKHA SIYANG TYANAK NA SPACE ALIEN SA RETOKADANG FESS NIYA

  2. DI BA TAGONG BAKLA IYAN SI EDU LIKE FATHER LIKE SON ASK KO LANG PO TITA VILMA

  3. BAKLA ang ipinalit ni Zanjo kay Mariel!!! At yung actor na bad breath na nakahalikan ni angelica ay si Jake Cuenca!!! Kasuka talaga ang bunganga ng hayup na yan!!!

  4. sinu nga,ling ako kasi sabi ko pagkatapos kong matalo sa kampanya win or lose di na ako magaartista pero makapal muka ko eh ubod ako ng sinungaling at iniyoiyot kona yun c pinky webb d bale rapist din kapatid nya ehhhhhhhhh ang asar talo nood kayio ahhhhhhhhhhhhh

Leave a Reply

Your email address will not be published.