Sa pagdukot at pagpatay sa dating bokal ng Albay
“Gising, P-noy!” – VACC

“MR. PRESIDENT, wake up!” Ito ang panawagan ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) kay Pangulong Benigno Aquino kasunod ng pinakabagong krimen kung saan dinukot at pinatay ang dating board member ng Albay at negosyanteng si Jose Saribong kahit nagbayad na ng ransom.

Sinabi ni VACC Chairman Dante Jimenez na pinsan din ng asawa ng biktima na dapat nang kumilos ang pangulo sa lumalaganap na kriminalidad.

Nanawagan din ang VACC kay Philippine National Police (PNP) Chief Alan Purisima na muling buhayin ang counter intelligence group na binuwag umano matapos ang Atimonan shooting.

Dapat din aniyang i-review ng mga awtoridad ang rules of engagement sa negosasyon sa mga kidnapping incident matapos patayin si Saribong kahit nagbayad ang pamilya nito ng ransom.

Sinabi pa nitong baguhin ang sistema ng total news block out dahil hindi naman aniya nagiging epektibo.

Binigyan pa ng nasabing samahan ng 5 o bagsak na grado ang performance ni Purisima.

Iginiit din ni Jimenez ang pagbuhay sa death penalty sa mga nasasangkot sa heinous crime.

Samantala, labis naman ang pagkadismaya ng Pamilya Saribong sa ginawa ng mga salarin sa kabila ng pagsunod nila sa hirit nitong ransom.

Sa ngayon, nakatakdang ilibing si Saribong ngayong araw sa Heritage Park kung saan din ito i-binurol.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.