Sa pagdi-deny ni Bea Alonzo: Gerald Anderson, balik kay Kim Chiu!

SA ISANG INTERVIEW, nilinaw ni Bea Alonzo na hindi totoo ang issue na may namamagitan sa kanila ni Gerald Anderson. Hindi naman daw sila close ng binata kaya papaano raw manliligaw sa kanya ito. Wala naman silang teleserye o pelikulang ginagawa para i-link sila sa isa’t isa. Hindi raw alam ng young actress kung saan nanggaling ang balita. Naging antipatika tuloy siya sa paningin ng Kimerald fans dahil sa intrigang may namumuong romansa sa kanila ni Gerald.

Mabuti na lang, binigyang-linaw ni Kris Aquino ang issue tungkol kina Bea at Gerald. Nag-text daw si Kim sa kanya assuring na okey na sila ni Gerald. Ibig sabihin, nagkaroon talaga ng tampuhan ang dalawa at nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon. Pero ngayon back to each other arms uli sila.

Naging close sina Kris at Kim habang ginagawa nila ang  teleseryeng Kung Tayo’y Magkakalayo, kung saan naging mag-ina ang papel na kanilang ginagampanan. Maganda ang naging bonding ng dalawa, kahit personal problema ng young actress ay ipinagtatapat niya sa controversial TV host. Malaki kasi ang respeto niya kay Kristeta kaya ganoon na lang ang pagtitiwalang ibinibigay niya rito.

KEBER KAY MARIEL Rodriguez kung sabihan man siyang baliw sa pag-ibig kay Robin Padilla. Ngayon lang daw niya naramdaman ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Isang lalaking may paninindigan, proposed marriage on TV in front of millions of televiewers. Tuloy, walang pakialam ang dalaga kung anuman ang kahihinatnan ng kanilang relasyon ng action star. Priority ng TV host ang kanyang love life kahit mag-suffer ang showbiz career.

Hindi rin apektado si Mariel sa balitang buntis siya, tinatawanan lang niya ang issue tungkol dito. Ikatutuwa pa nga raw ng dalaga kung totoo ang tsismis dahil madadali ang pagpapakasal nila ni Robin. Ang importante, maligaya siya sa piling ng kanyang minamahal kahit nag-iingay ang ex-wife ni Binoe na si Liezel Sicangco dahil sa isyung napapabayaan na ng aktor ang kanyang bunsong anak na lalaki.

Ayaw makialam ni Mariel tungkol sa issue ng dating mag-asawa. Ang balita namin naayos na ang gusot sa pagitan nina Robin at Leizel kaya balik ligaya uli ang mag-dyowa. Balik-Sidney, Australia ang bunso nilang anak.

PINABULAANAN NI ROCKY Salumbides ang tsismis na hiwalay na sila ng live-in partner niyang si Eula Valdez. Ayaw na sana ng binatang mapag-usapan pa ang tungkol sa kanilang relasyon. Maayos naman daw ang kanilang pagsasama kahit pilit pa rin silang pinaghihiwalay ng intriga.

“Sa isang relasyon kung minsan, hindi maiiwasang nagkakaroon ng tampuhan pero naayos naman agad. Nasasanay na rin ako sa takbo ng showbiz. Hindi ko na lang pinapansin ‘yung intriga na alam ko namang hindi totoo. Kung sino man ang hindi sang-ayon sa relationship namin ni Eula, problema na nila ‘yun! Ang importante, masaya kami, ini-enjoy namin ang isa’t isa, ‘yun,”sambit ng morenong aktor na leading man ni Fanny Serrano sa indie film na Tarima.

Kung dati-rati, apektado si Rocky sa sinasabi ng ibang tao, ngayon ay pinagkikibit-balikat na lang ng binata. Nang dahil sa break na ibinigay sa kanya nina Fanny at Direk Neal ‘Buboy’ Tan, nagkasunud-sunod ang kanyang indie films. Bukod sa maganda ang rehistro nito on-screen kahit baguhan, mararamdaman mo ang character na kanyang ginagampanan

Unti-unti na ngang gumagawa ng pangalan si Rocky ang sooner or later magkakaroon na rin siya ng sarili niyang identity. Hindi na kailangang ikabit pa ang pangalan ni Eula para mapag-usapan. ‘Yun lang!

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleHindi mahugot-hugot: Sikat na young couple, magkapatong na isinugod sa ospital?!
Next articleKuya Germs, imbiyernang-imbiyerna kay Shalala

No posts to display