Sa pagdawit sa hiwalayang Paolo Contis-Lian Paz
Jennylyn Mercado, napikon na!

HINDI NA natutuwa si Jennylyn Mercado sa pagdawit ng pangalan niya sa hiwalayan ng mag-asawang Paolo Contis at Lian Paz.

“Hindi na nakakatuwa. Nakakairita na pilit akong isinasangkot sa break-up nina Paolo at Lian. Kung sino man ang may gawa ng isyu, baka wala lang magawa kundi manira,” say ni Jennylyn.

Ang anak niya at magandang relasyon nila ni Luis Manzano ang dapat daw sana isinaalang-alang ng may gawa ng isyu. Saka hindi niya magagawang manira ng isang pamilya.

Mabuti na lang abala si Jen sa mga project sa GMA-7 kaya kahit paano ay ‘di siya apektado. Nandiyan pa ang lubos na tiwala sa kanya ni Luis kaya naman super ingat siya para ‘di masira ang kanilang pagmamahalan ng anak nina Gov. Vi at Edu Manzano.

 

HINDI MA-TAKE ni Bea Alonzo na makita ng boyfriend niya na si Zanjoe Marudo ang kissing scene nito kay John Lloyd Cruz sa pelikula nilang The Mistress.

Isinama kasi ni Bea si Zanjoe para mapanood ang pelikulang pinagsamahan nila ni John Lloyd at para ‘di makita ng boyfriend ang mainit na kissing scene nito ay tinatakpan nito ang mata ni Zanjoe.

Congrats sa cast at staff and director ng The Mistress dahil sa patuloy na pagtabo sa takilya ng movie. As of press time ay baka umabot na ng P200-M ang kinikita nito sa takilya, tinalbugan pa ang kinita ng No Other Woman ni Anne Curtis.

 

NAGTATAKA SI Megastar Sharon Cuneta sa mga basher niya sa Twitter na nagsasabi na hindi maganda ang kanyang naging pahayag sa interview na lalaking-lalaki ang manliligaw ngayon ng anak na si KC Concepcion.

Kesyo may pinatatamaan daw ang Megastar nang sabihin nito na lalaking-lalaki ang guy, samantalang sinagot lang naman ni Shawie ang tanong ng isang reporter sa kanya na kung lalaking-lalaki ba ang bagong manliligaw ni KC?

Knowing Sharon, ‘di ugali nito ang magpasaring ng kung sinuman. Sinasagot lang nito ang bawat tanong sa kanya ng press.

Nagtatanong tuloy si Megastar, why affected?

 

BLIND ITEM: Kaaliw ang tsika ng kasama namin sa PMPC na isang actor ang nabuko ang kabaklaan nang mapasama sa isang horror movie.

Mantakin mo na malakas pa raw sumigaw sa mga kasamang actress ang klosetang aktor kapag nakakatakot ang kanilang eksenang kinukunan.

Tuloy siya (closetang actor) ang pinagtitinginan ng staff and crew, pero dedma lang ang actor kesehodang malakas pa siyang magtitili sa kasamahan sa movie.

Nabuko tuloy ang actor na may dugong berde.

 

KAHIT NA may nakakita na nagkaharap sina Karylle at Marian Rivera sa ginanap na Dolphy Alay Tawa ay tigas pa rin ang tanggi ng una na hindi sila nagkita nang mata sa mata ni Marian.

May nagsabi kasi na isang photographer na nasa likuran ng kinauupuan nina Zsa Zsa Padilla katabi ang anak na sina Zia at Karylle sa harap mismo ng stage ay lumapit si Marian kay Zsa Zsa at Zia para bumeso pero nilagpasan si Karylle.

Sabi naman ni Karylle, ‘di sila nagkita nang mata sa mata ni Marian at hindi raw niya ito napansin at lalong ‘di raw niya ito iniiwasan.

Well, kung hindi nagbatian sina Marian at Karylle sa Dolphy Alay Tawa ay nagkasalubong at nagbatian naman sina Karylle at Dingdong Dantes sa ginanap na fashion show kamakailan.

Sabi ni Karylle, nangyari ang pagkikita nila ni Dingdong sa hallway ng arena na pinagdausan ng event habang siya ay naglalakad na pakendeng-kendeng.

Nagkasalubong sila at hindi na nagkaiwasan kaya nagbatian na sila kaya naman masayang-masaya na si Karylle dahil patunay na lang okey na sila at walang samaan ng loob matapos ang paghihiwalay nila ng actor.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

8 thoughts on “Sa pagdawit sa hiwalayang Paolo Contis-Lian Paz
Jennylyn Mercado, napikon na!

  1. Sa totoo lang, si Marian rivera ang dahilan ng paghihiwalay ni Paolo at Lian. Nahuli kasi sila sa dressing room na nagchuchukchakan (Paolo and Marian). Hay naku tong si Marianita, pokpok talaga. Di makuntento kay dingdong

  2. ang ganda naman ng kuha ni jennylyn diyan. mukhang batang bata considering na may anak na siya. simple pero lalong gumaganda habang tinititigan.

  3. first of all, may horror movie bang ginagawa si luis. tinatapos niya yun movie with toni g. and vice ganda. esep esep. may ma i comment lang kase kahit na nagmumukha na silang engeng.

  4. malakas lang tumili bakla na?agad agad? ung about naman kay jenelyn mercado eh kayong mga reporer lng din naman ang nagsusulat na dawit si jen.kayong mga reporter na mahilig gumawa ng mga balibalitang kuro kuro o gawa gawa lang

Leave a Reply

Your email address will not be published.