Sa pagdating ni John Rendez Nora Aunor, nagluluka-lukahan na naman?!

SA PRESSCON NG My Binondo Girl, habang on-going ang pagtatanong sa bida nito na si Kim Chiu at iba pang kasama sa cast, kasabay ring pinag-uusapan ng movie press ang isyung nagluluka-lukahan na naman daw si Nora Aunor.

Dumating lang daw kasi si John Rendez sa bansa recently, biglang ayaw na raw mag-shooting ng aktres for three days.  Tuloy ay nanunumbalik ang dati nang sapantaha ng marami na laging nagiging sagabal itong si John sa muling pagbangon ng career ng Superstar.

Sana raw ay hindi na lang sumunod si John kay Nora rito sa Pilipinas. Para talagang makapag-focus ang aktres sa mga natanguan niyang trabaho.

Pero si Mama Guy naman ang may gustong umuwi rin si John. Parang hindi nga kasi siya mabubuhay nang wala ito sa piling niya. Kung bakit? Iyan pa rin ang malaking katanungan.

Marami pa rin ang naiintriga kung ano nga ba talaga ang papel nito sa buhay ni Nora. Kahit pa mariin nang sinabi ng aktres sa isang panayam sa kanya kamakailan na hindi niya boyfriend si John.

Ganyan?

AMINADO MANG NAHIHIRAPAN sa kanyang responsibilidad bilang gobernador ng Batangas, kapansin-pansing beauty pa rin si Vilma Santos at hindi ngarag ang hitsura. Tungkol nga rito ang pabirong inusisa namin sa kanya in our recent interview with her.

“Oy, in fairness, kahit isang tusok, wala ‘yan, ha!” natawang reaksiyon ni Vilma. “Sikreto? Wala. Ano lang… in a way, dahil hindi ko siguro inaabuso ang sarili ko. Hanggang ngayon I do exercise. Kinakain ko lahat, but with moderation. Kasi lahat ng sobra masama. What else? I am comfortable with my life.

“Ah… happy ako sa pamilya ko. Andiyan ang asawa at mga anak ko na nagbibigay sa akin ng energy. Itong pagod ko na ito kung wala sila, papaano ko kakayanin ang lahat ng ito? Pero pag-uwi ko sasabihin lang ng mga anak ko, ng asawa ko… we’re so proud of you. E, ‘di may energy? Parang ginasolinahan na naman ako. So… ‘yon.

And then as a public servant, so far so good. And I thank my consti-tuents dahil magpu-fourteen years na ako.”

Kumusta sila ng husband niyang si Senator Ralph Recto?

“Ay, we’re doing very fine. Alam mo magkasama na pala kami ng… bilangin n’yo nga, nakalimutan ko na! Ha-ha-ha!

“We were together for seven years bago kami ikinasal noong 1992. Twenty six years na kami. Oh, my God!”

Do they still celebrate their anniversary?

“We celebrate each other… always!” nangiti niyang sabi. “Basta hanggang ngayon, hindi natatapos ang araw na wala kaming I love you sa isa’t isa. Hanggang ngayon, kahit magkagalit kami, kailangang humalik kami sa isa’t isa kapag dumating sa bahay, at umalis. Kapag hindi kami magkagalit, paghalik niya talagang ganito…” sa lips ang ibig niyang tukuyin.  “’Pag magkagalit, talagang paghalik niya, ulo ko ang ibinibigay ko!  Ha-ha-ha! Paano ang bonding namin?

Kung napapansin ninyo, talagang yearly nagta-travel kami.

Talagang we see to it na walang taon na hindi kami magta-travel. So iyon ang talagang pinaka-oras namin para sa aming mga sarili. In fact kapag nagta-travel kami, hindi kami kumukonsulta sa mga consul.

Kasi ‘di ba mga opisyales kami ng gobyerno? Kasi gusto naming ma-ging ordinaryo. Na walang hahawak ng oras mo. Kami ang magdadala ng maleta namin. Kung anong oras namin gustong gumising. O kung saan namin gustong pumunta. Because that’s the only time na normal kami. Kasi dito (sa Pilipinas), hindi kami normal, e. Abnormal talaga ang mga buhay namin dito. Na bukod sa artista na, nasa politika pa. Hindi ba? Anak ko, artista pa.”

Next year will mark her 5th decade na sa movie industry. Paano niya pinaplanong i-celebrate ito?

“Kapag natapos namin ‘yong movie namin ni Kim Chiu, baka iyon ang maging offering next year. Sana on my golden anniversary sa showbusiness. Baka maganda naman. So ‘yon, sa tingin ko iyon ang plano.”

May death threats pa rin ba siya?

“Huwag na naman. Awa ng Diyos. Huwag naman po. Maganda po ang intensiyon ko! Ha-ha! Wala akong inaapakan. Pero you know… at the end of the day, wala ka namang assurance, e. Ang kapit ko na lang basta everytime na aalis ka ng bahay, nagdarasal ako… Lord ikaw na, take over. ‘Yong na lang, e. Sino ba ang kakapitan mo? Sa news, ‘di ba? Mismong sa munisipyo, nagkakaputukan. And ito lang…” sabay labas ng isang golden rosary na nasa kanyang bulsa. “Dala ko ito always. Ito… kung ilang taon ang bunso kong si Ryan, gano’n na rin katagal ito. Because anniversary namin ni Ralph nang ibigay niya sa akin ito. And I was pregnant with Ryan,” kuwento pa ni Ate Vi.

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

20 thoughts on “Sa pagdating ni John Rendez Nora Aunor, nagluluka-lukahan na naman?!

  1. my wife loves her ans she told me about miss. aunor. she said she fell in love with her the very first time she saw her in person. she tells me how she even cutting classes just 2 watch her movies and how she spend most of her allowances on every magazines miss aunor on the cover. on how she fights with her brothers and boys classmates everytime they said something negative bout her. and until now shes still crazy bout her. lol

  2. on the other hand miss. aunor makes lot of mistakes and bad decisions in her life. i just hope its not too late for some changes. i admire her coz shes a very good actress and i knew she has a good heart.

  3. i think vilma is lucky coz she marries ralp recto who helps and guide her in every steps as a politician, without him i really dont think vilma would have made it accept it or not. shes wise ans she knew it.

  4. Sabihin nating sa personal lofe, nagtagumpay talaga si Vilma. Dahil masuwerte siyang napasama sa mabubuting tao. Pero when it comes to achievements as entertainer, HELLO! Si Ate Guy talaga ang QUEEN OF ALL MEDIA. Pelikula, TV, radio, at pati teatro.

  5. sa lahat ng naging artista..si vilma santos na nga talaga angnakakainggit ang buhay..aside from being an actress..alam mo rin na magaling siyang gov official, good housewife..basta na-balance niya lahat..as in ang galing talaga..kung sa personal life ay wala talagang laban si nora aunor..diba?

  6. Ikaw ang luka-luka sa lalaki mo, magsulat ng totoo hindi iyong sulat ka ng sulat di mo inilalagay ang totoong dahilan kung bakit natigil ang shooting, nagsusulat ka ng wrong info sa mga readers……….Dapat hwag ka na lang magsulat kung hindi lang tama ang isusulat mo.

  7. Easy ka lang @ ronnie. di sinisiraan ng tao si nora. maraming pinagdaan si nora, aminin mo yan, namayagpag siya noon sa kasikatan at dami ng perang kinita pero sa wala rin ang nangyari sa kanya dahil di niya minahal ang kanyang trabaho. nakita mo rin naman ang nangyari kay vilma naging successful siya dahil minahal niya ang kanyang propesyon. di niya inabuso ito at never siyang naging second fiddle kay nora. equal lang sila. dahil kung walang nora, wala ding vilma. kuha mo!!! opinyon lang!!!

  8. I agree, ang mga writers na ito na nag sa sour graping kasi di naimbita sa presscon ni Ate Guy ay gumagawa ng kwento , para masira ang kredibilidad at imahe ng nagbalik na Superstar.Para ano?para madisymaya ang mga producers ni Ate Guy!Ang sama sama nio lalo na sa writer na ito na walang basehan kung magsulat.And what a term. gustong kong buhayin ang tawag na GUGO writer sa yo dahil ikaw ang writer na kung magsulat walang kwenta, Haka haka.Gawa gawa para lang me makain .hmp.Patay gutom…Makasira lang ng ibang tao lahat gagawin , daig mo pa magnanakaw baka di mo alam. 

  9. kailangan bang siraan si Nora para lng maitaas si Vilma? you are such a pathetic writer. Vilma will always be a second fiddle to Nora, no matter what she says or do, wala syang ibubuga kay Nora sa acting. Accept the truth.

  10. talagang ang mga bading at matrona, maglulukalukahan kapag me dumating na titi. madalang lang cla madiligan noh!?!

  11. Sa mga Noranian bakit hindi na lang nyo pagdasal ang favorite nyo na mapabuti sya kesa tirahinn nyo si Gov.Vi. E sino ba ang binibless ng God at sino ang sinusubok pa rin hanggang ngayon?Lesser star daw si Gov. Vi, well sa inyong Noranian yon ang kaso pero sa aming Vilmanian baliktad yon. Kahit anong sabihin Vilma Santos  is the bigger star and able to stay that way and the bigger person. Just pray for Ms. Aunor para magkaroon ng kabuluhan ang buhay before the sunset dawn on her life. Gov. Vi please dont entertain these intrigues anymore, you know your standing in your professional and personal life wish you more happiness and peace of mind, to Ms. Aunor and her supporters God Bless.

  12. @tanya totoo ang mga sinasabi mo, ako gusto ko silang pareho si Vilma at Nora kasi magagaling talaga sila sa kanilang respective talent pero mas naaawa ako kay Ms. Nora Aunor kasi sa dami ng opportunity at mga movies, at income nya noon sa showbiz, ito ngayon ang dinatnan nya. Nakakaawa sya so sana her next surgery sa US ma successful na para bumalik ang kanyang natural na boses at makakanta na naman sya.

  13. huwag na kayong mag-away. ang totoo niyan nung araw ay die hard noranian ako. pero inaamin ko na mas naging maganda ang buhay ni vilma kaysa kay nora. very fulfilled si vilma bilang isang tao, asawa, ina at politiko. si nora hanggang ngayon wala pa ring direksiyon ang buhay. pagbalik niya sa america balik na naman sa dating gawi. di na natuto.

  14. Punyetang writer ito, itaas lang ang betamax queen sisiraan ang superstar! Hayop ka! Wag na wag kang pakikita sa akin at dyodombagin kitang bakla ka! Putang ina mo bakla! Magkakanser ka sana sa lalamunan bakla! 

  15. SI RUBEN MARASIGAN ANG LUKA-LUKA. MAGKANO KAYA ANG BINABAYAD SA KANIYA NG LESSER STAR PARA MAGSULAT NG KASIRAAN NG SUPERSTAR? GUSTO LANG NIYA MAGSULAT ABOUT VILMA SANTOS AY KAILANGANG PANG IDIKIT SA PANGALANG NORA AUNOR. PARASITE TALAGA ANG WRITER NA TO PATI ANG AMO NIYA.

  16. Mr. Marasigan, it’s obvious naman na Vilmanian ka. Pero, sana naman huwag mong siraan si Nora, ‘te. huwag kang mag-imbento ng mga paratang. ‘Day, ganito ang totoong nangyari kay Nora, ha, basahin mo.

    “Kahit masama ang pakiramdam, nagpunta pa rin sa shooting si Ate Guy. Napansin ng producer mismo na si ER Ejercito na matamlay ang Superstar. Ipinatawag ni ER ang kaniyang personal doctor para matingnan ang kalagayan ni Ate Guy. Sabi ng doctor, kailangang magpahing muna ni Ate Guy ng mga 3 days, otherwise baka mauwi sa pneumonia ang kaaniyang karamdaman.”

    O, hayan ha. Iyan ang tamang balita, hindi yung mga tsismis mo. Bilang isang manunulat, may obligasyon ka sa mga tagapagbasa mo na isulat kung ano ang katotohanan. Hindi labis, at lalong hindi kulang. Iresponsable!