Sa pagbitbit kay Lovi Poe sa Star Magic Ball Jake Cuenca, binastos si Melissa Ricks?!

ISANG EMOSYONAL NA Jake Cuenca ang naka-usap namin sa ASAP Rocks last Sunday nang hingan namin siya ng reaksyon sa nabitawang salita ni Melissa sa interviews sa kanya na respeto sana ang ibigay sa kanya ng ex-boyfriend. Inisip ng iba na may kaugnayan ito sa pagdadala ni Jake sa kapareha sa My Neighbor’s Wife sa nakaraang Star Magic Ball, maaari raw na-offend ang young actress sa naging gesture ng ex-boyfriend. 

Sa interview rin sa Kris TV ni Mel, natanong ni Kris ang aktres kung ano ang natutuhan niya pagdating sa larangan ng pakikipagrelasyon. Ayon kay Melissa, ito ay huwag kang magmahal nang sobra-sobra at dapat ay magtira ka para sa sarili mo para kung saka-sakaling mawala ang taong mahal mo, kaya mo uling magsimula.

Humingi naman ng tawad si Jake kay Melissa sa lahat ng sakit na naibigay niya rito, sa lahat ng heartbreaks, disappointments, kundi niya naabot ang mga expectations nito sa kanya at kung hindi siya naging mabuting boyfriend sa young actress.

Ayon kay Jake, masakit din sa kanya ang nangyari pero dahil anim na buwan na rin ang nakalilipas mula nang maghiwalay sila ng ex-girlfriend, natuto na siyang i-handle ang sitwasyon at mag-move on.

Sa sinabi naman ni Melissa na natutuhan niya na huwag kang magbibigay nang sobra-sobra sa taong minahal mo, para kay Jake naman ay wala siyang pinagsisihan sa naging relasyon nila ng dating, nobya kung saan ang dalawang taon ng relasyon nila ang maitutu-ring niyang pinakamasayang taon ng buhay niya.

Sa tanong namin kung mare-rewind ba ang buhay niya ay uulitin niya na naging sila ni Melissa, oo ang isinagot sa amin ni Jake dahil wala siyang pinagsisihan sa nangyari at totoong minahal niya ang young actress.

Sa naging pahayag naman ni Mel na hindi pa siya handang makasama sa isang proyekto si Jake, ipinaliwanag sa amin ng aktor na prerogative ito ng ex pero siya ay hindi namimili na kahit na sinong makasama niya. Maliit lang ang mundo ng showbiz, marami na siyang nakatampuhan, nakaaway pero naayos din sa kalaunan ang mga ito.

Kung masasakit man ang mga salita na nabibitawan sa ngayon ng aktres kay Jake, naiintindihan at tinatangap naman ito ng aktor, kung saan para sa kanya ay tanggap niya na maaaring deserve niya ang mga nabibitiwang salita sa kanya ng ex dahil nasaktan niya ito nang sobra. Siniguro sa amin ni Jake na ‘di nawala ang respeto at ‘di magbabago ang pagkakakilala niya kay Melissa kahit na ano pa ang mangyari. Alam ni Jake na hindi pa ito ang panahon, pero hinihiling niya na sana dumating ang araw na maging magkaibigan sila uli bago pa man maging sila.

Klinaro sa amin na hindi siya nanligaw kay Lovi, at sa magiging bintang sa kanya na baka for promo lang ang sweetness na pinakita niya sa sexy actress, depensa naman ni Jake na nakakuha siya ng tatlong totoong kaibigan kina Dennis Trillo, Carla Abellana at Lovi at napatunayan niya naman na ang pagkakaibigan na ibinigay niya ay totoo at sinsero.

 

AMINADO SI NIKKI Gil na ngayon pa lang, nakakaramdam na siya ng lungkot at kaunting kaba sa pagbabalik ni Billy Crawford sa UK para sa kanyang international career. May Skype nga naman na puwede naman silang mag-usap lagi ng boyfriend pero iba pa rin siyempre ang lagi mong nakakasama, nakakausap at nasa iisang mundo kayo ng taong karelasyon mo. Ngayon nga ay may mga detalye na, may mga dates na ng pag-alis at kung hangang kailan mag-i-stay du’n si Billy. Maaaring dumadalaw-dalaw ng bansa ang boyfriend, pero nakikita namin kay Nikki na mala-king sakripisyo ito sa kanila pareho, lalo’t nasanay na ang dalawa na laging magkasama.

Hindi naman itinago na malalim na talaga ang tinatakbo ng relasyon nila ni Billy, nag-iipon na sila pareho para sa future nila na magkasama. May playboy image si Billy nang dumating ito ng bansa pero ang higit na ikinatutuwa ni Nikki ay nagbago si Billy hindi lang para sa kanya kundi mas higit para sa kanyang sarili.

Kilalang liberal ang actor/singer dahil halos lumaki na ito sa ibang bansa. Pero sinaluduhan namin si Billy nang aminin  ni Nikki sa guesting nila sa Kris TV na hanggang ngayon, wala pang nangyayari sa kanila ng boyfriend sa kabila na tatlong taon na ang kanilang relasyon. Patunay lang ito na ganu’n kataas ang respeto at pagmamahal ni Billy sa girlfriend.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

6 thoughts on “Sa pagbitbit kay Lovi Poe sa Star Magic Ball Jake Cuenca, binastos si Melissa Ricks?!

  1. Mukhang ang mag best friends na Jake Cuenca at Gerald Anderson; ay diumano’y
    INSENSITIVE, sa mga girls na nalink sa kanila! Both in the same venue SMB. Jake, 2011, Gerald 2010. On hindsight, Gerald’s baring of his character benefited Kim Chiu!
    Let’s wait and see, how it will work for Melissa Ricks.

  2. I never like this Jay, yong mukha nya parang oily tingnan palagi at yong buhok nya parang may pomade. Sa pagka delikadesa na lang sana na nandoon si Melissa sa parting yon, hindi na lang sana nagdala pa ng ibang babae from the other network pa. Sabagay, gusto kasi pag-usapan para kumita ang movie, another form of promotion kesohodang nakasakit ng ibang tao. Hindi naman natin ma blame yong tao din kasi break na sila ni Melissa pero again, delicadeza na lang sana for Melissa’s sake especially na alam nito na hindi pa naka move on si Melissa. Walang budhi.

  3. Sus Melissa, hindi gaya ni Jake ang iniiyakan at pinanghihinayangan. Kita mo si Roxanne G. nakakawala sa kukong lawin ni Jake. Eh maraming masamang balita tungkol ke Jake, including mabaho ang hininga, di naliligo, madumi etc, eh ano ang ipinagkukot ng loob mo. Di siya deserving sa ganda at kinis mo.

  4. Jake Cuenca ? Common Melissa, you can do better. Mukhang mabaho ang bansot na ex mo. Baho siguro ng hininga. The man has no gentleman blood in him. Sinaktan nga niya ang mga ex niya. Don’t be another statistic.

Leave a Reply

Your email address will not be published.