Sa pagbanggit ng name ni Diether Ocampo na naka-sex daw: VICKI BELO, NAG-WALK-OUT KAY DJ MO TWISTER!

NAG-WALK-OUT PALA SI Dra. Vicki Belo sa radio program ni DJ Mo Twister nu’ng nakaraang Miyerkules.

Wala naman akong kamalay-malay sa mga nagaganap dahil nandito ako ngayon sa Singapore.

Ang nakarating na kuwento sa akin, isinalang daw si Vicki kasama ang anak niyang si Cristalle para sagutin ang 40 Forbidden Questions. Siyempre mas naka-focus kay Dra. Belo dahil hindi naman kontrobersiyal si Cristalle.

Sa pang-walong tanong pa lang daw, may tanong kay Dra. Belo na kung meron ba itong naka-sex na kilalang male celebrity? Obviously si Hayden Kho na ang isa du’n, pero may mga ilan pa raw ba?

Nag-yes si Vicki pero ayaw niyang magbanggit ng pangalan. Pero may mga pangalang binanggit daw si DJ Mo at pinilit itong pasagutin. Nang nabanggit daw ang pangalan ni Diether Ocampo, walk-out na raw ang lola mo!

Nakausap ng Startalk reporter namin si Dra. Belo at ikinuwento nitong hindi naman daw siya dapat kasali sa interbyung ‘yun dahil si Cristalle lang talaga ang inimbita. Sinamahan lang daw niya ang anak niya pero pinilit na raw ito na sumali para mother-daughter daw ang drama.

Ito namang si doktora nagpapilit din kaya ayun, walk-out naman ang ending!

Nagsisi nga raw siya na sumama pa siya kaya napagsabihan daw ito ni Hayden na bakit pa siya pumunta du’n. Isyu na naman daw iyan na iniiwasan pa naman daw niya. Hay, naku! Sana sumama na lang si doktora sa amin dito sa Singapore, hindi pa siya maintriga!

MALAPIT NANG MATAPOS ang The Last Prince kaya kinukundisyon na ngayon ang mga fans ni Aljur Abrenica at Kris Bernal na magkakanya-kanya na sila at iba na ang susunod nilang maka-loveteam.

Si Kris ay meron nang Daniel Matsunaga na ka-partner niya sa bagong episode ng Love Bug na Wish Come True.

Magsisimula na ito sa darating na Linggo pagkatapos ng Party Pilipinas. Nu’ng presscon nga nito ay medyo kinikiilig pa si Kris dahil sinasabi naman niya noon pa na guwapung-guwapo siya kay Daniel,

In fairness, bagay naman silang tingnan at marunong ding maglaro itong Daniel.

Kasali rin kasi rito si Rich Asuncion at sinabi niyang may kissing scene din daw sila ni Daniel. Pero sandali lang daw ang sa kanila hindi kagaya ng kay Kris na talagang matagal daw at with feelings.

Kaya kung tanungin mo si Daniel sa kung sino kina Kris at Rich ang good kisser, si Kris agad ang sagot niya dahil matagal daw ang halikan nila rito sa Love Bug at nasarapan naman daw siya.

Sabi naman ni Kris, masarap din daw si Daniel kaya tingin ko diyan, masusundan pa ‘yan ng isa pang project.

Si Aljur naman, inihahanda na ang susunod niyang project na kung saan si Rhian Ramos naman ang makakasama niya. Mukhang swak din ang dalawang iyan. Abangan na lang natin.

Pero siyempre, tapusin ‘nyo muna ang The Last Prince, ‘no!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleConnecting People! (Angelica Panganiban)
Next articleLabanan sa Sexiest Pinay Title, Lalong Uminit!

No posts to display