Sa pagbabawal sa ‘Shark’s Fin’ GMA at Datu Arroyo, Pinuri ng PETA Asia

NAGPADALA NG BULAKLAK People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) Asia kay dating Pangulo at ngayo’y Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at sa kanyang anak na si Rep. Diosdado Macapagal-Arroyo upang ipagbunyi sila dahil sa pag-akda at pagsusulong nila kamakailan ng House Bill 174 na kapag naipasa ay magbabawal sa pagbebenta ng mga pating at pagi sa buong bansa. Sakop ng pagbabawal na ito ang pagbili, pagmamay-ari, at pagbibiyahe ng kahit anong produkto na gawa sa mga endangered species.

Isinasaad din sa nasabing panukalang batas na maging ang aksidenteng pagpatay o pinsala sa mga hayop ay iligal din at kakailanganin na ang mga hindi sinasadyang huli ay ibalik agad sa karagatan nang walang pinsala.

Ang mga tao ay pumapatay ng halos 100 milyon na mga pating at ilang bilyong pang ibang mga hayop sa karagatan taon-taon. Ang labis na pangigisda dahil sa “sport” at mga komersyal na mangingisda na naghahanap ng mga shark fin at kartilago ay walang dudang naglagay sa populasyon ng mga pating sa peligro. Ang mga mangingisdang ito ay inilagay din sa piligro ang mga manlalangoy at mga surfers sa peligro sa pamamagitan ng pagtapon ng pain sa tubig upang lumapit ang mga pating sa baybayin.

Ang Pilipinas ay kilala sa pag-eksport ng mga shark fin sa mga bansa kung saan iligal ang pagkuha sa ganitong mga likhang pandagat. Maraming mga mahabaging Pilipino ang nagmamalasakit na ang Sorsogon, na tahanan ng mga malapit nang maubos na mga pating, ay mabilis na nakikilala sa pagdanak ng dugo dahil sa maramihang pagpaslang sa mga pating. Ang mga larawan ng patayan na ito ay nakakalat na sa Internet. Ang kalupitan na ito ay walang duda na sisira sa plano ng Department of Tourism na ipakilala ang Pilipinas bilang bansa ng kagandahan at natural na dilag.

“Habang ang mga pating ay hindi partikular na cuddly, kailangan din nila ng proteksyon,” sabi ni Jason Baker, ang Vice President of International Operations ng PETA Asia.

“Ang dating pangulo at ang kanyang anak ay nagsisilbing magandang halimbawa para sa lahat sa pagsaysay na walang dahilan para kunin ang mga pating sa dagat, tanggalan ng buntot, at walang kaawa-awang ibabalik muli sa tubig.”

At siyempre, ang pangingisda para sa shark fin ay isa lamang sa napakaraming problema na naiuugnay sa industriya ng pangingisda ngayon. Ang mga komersyal na mga lambat ay kadalasang nakakaladkad ang lahat ng nadadaanan nito, na sumisira sa mga magagandang koral at mga ecosystem. Ang labis na pangingisda ay ang nangunguna dahilan sa pagkakaubos ng mga isda.

Ayon sa mga pag-aaral, pagdating ng 2048, ang mga karagatan sa mundo ay mawawalan na ng mga isda. Ang laman ng isda ay may taglay na nakalalason na mga kemikal gaya ng cadmium, mercury, lead, chromium, at arsenic. Ang mga lason na ito ay ang nagiging sanhi ng mga problema sa kalusugan mula sa sakit sa bato, sakit sa isip at kanser. Ang pinakamainam na magagawa natin para sa mga isda, sa kapaligiran, at sa ating kalusugan ay ang paglipat sa vegetarian diet.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Sa pagbabawal sa ‘Shark’s Fin’ GMA at Datu Arroyo, Pinuri ng PETA Asia

  1. Pingback: Sa pagbabawal sa ‘Shark’s Fin’ GMA at Datu Arroyo, Pinuri ng PETA Asia | SharkFin.co | Shark Fin Blog

Leave a Reply

Your email address will not be published.