Sa pagbabalik tambalan… Ogie, balak balikan si Manilyn?

 

EXPECTED NA NI Ogie Alcasid na dahil sa reunion nila ni Manilyn Reynes sa bagong drama serye ng GMA-7, ang Daldalita, mauungkat muli ang sinasabing naunsiyaming love team nila noon ng aktres. Pareho nang may buhay pamilya ang dalawa – Manilyn and husband, Aljon Jimenez have three kids, while Ogie and wife Regine Velasquez are expecting a baby boy next month. Ayon naman kay Papa Ogie, hindi drw nangyari ang sinasabing nagkaroon sila ng relasyon ni Mane, super close lang daw sila at talagang malapit silang magkaibigan. Siya rin ang mahigpit na karibal noon ni Janno Gibbs na totoong naging syota ni Mane. Balikan ba ang nakaraan? Hehe! Alam nating sa pagbabalik-tambalan lang nila sa Daldalita ang dahilan kung bakit sila magbabalikan, huh! At hindi sa kung anupaman dahil nananahimik na sina Ogie at Manilyn sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya. ‘Yun na!

Photos by Mark Atienza, Luz Candaba & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.