Sa pagbabalik sa bansa BB Gandanghari, ibubulgar na ang hunk actor na nakarelasyon noon?!

TAHIMIK NA dumating ng Pilipinas si BB Gandanghari nu’ng nakaraang Biyernes. Tahimik kung papaanong umalis din siya sa bansa nang hindi halos namamalayan ng mga taga-showbiz. Kasi nga, hindi mo na alam ngayon kung papaano siya kasasabikang makita. Mahirap pa rin kasi talagang kalimutan ‘yung guwapo at may magandang katawan na Rustom Padilla na utol ni Robin Padilla. Nganga lang naman kasi tayo ngayon kay BB dahil patuloy tayong nanghihinayang na ibang-iba na siya ngayon. Lalo pa’t nawalan na nga siya ng career.

Maraming kaibigan si Bebe sa press, at sa tsikahan nga ay ginagawang panggulat at katatawanan na mayroon nga raw mga bagong pag-uusapan sa kanyang pagbabalik. Puwede raw may magandang business na pasisimulan ang dating Rustom na ikatutuwa ng mga taga-showbiz. Puwedeng aaminin na niya na nagpa-sex change na siya, dahil iyon ang isa sa mga ibini-bintang sa kanya kaya siya umalis ng bansa nitong huli. Ang hindi maganda ay ‘yung mga kantiyaw kay BB na ibulgar na niya ang tungkol sa sikat ngayong hunk actor na dati ay naging malapit sa kanyang puso.

Nalalapitan namin noon si Rustom nu’ng ratsada siya sa paggawa ng mga pelikula sa Viva Films, at wala sa personalidad niya ‘yung manira ng kapwa. Nananahimik naman ‘yung mabait na hunk actor na sinasabing nakarelasyon niya, kaya may dapat pa ba siyang pagbubulgar na gawin? Ke siya si Rustom o si BB, naniniwala pa rin tayo na alam niyang hindi matutuwa sina Mommy Eva Cariño at Robin na gagawa siya ng ingay at kung anu-anong isyu na wala sa katuwiran.

 

KUMUKULIMLIM ANG guwapong mukha ni Derek Ramsay kapag itinatanong sa kanya kung nasa intensiyon lang ba niyang magpataas ng kanyang talent fee, na parang nagpapahabol sa ABS-CBN dahil sa ilang buwang pagkalat ng balitang lilipat na siya sa TV5 ni Mr. Manny V. Pangilinan?  Sensitive kasi ang boyfriend ni Angelica Panganiban kapag tungkol sa isyu ng pera ang pag-uusapan, na para bang hindi siya kuntento sa kung ano ang kanyang tinatanggap.

“Nagtatrabaho lang naman tayo, eh. Nariyan lang naman ‘yung talent fee na dapat matanggap ng mga artista, dahil nagpapagod sila. Pero ako naman, sinabi ko na noon, na ine-enjoy ko lang itong trabaho ko, dahil noon naman kasi, akala ko’y pang-commercial model lang ako. Tsaka hindi na ako bagets nu’ng mag-showbiz ako. Hindi ko naman akalain na mayroon palang magandang mangyayari kung mag-artista ako,” wika ni Derek.

Sikat nang talaga si Derek, at kumikita ang mga pelikulang kasama siya. Huli niyang pelikula sa Star Cinema ang pelikulang Corazon, Ang Unang Aswang nila ni Erich Gonzales. Pero hindi lang naman ang showbiz ang mundo niya. May kaya ang kanilang pamilya na mayroon ding mga negosyong pinagkakaabalahan. Hindi mukhang pera si Derek, dahil pinalaki siya ng kanyang mga magulang sa disiplina, na hindi pera lang ang mahalaga sa buhay ng tao.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

11 thoughts on “Sa pagbabalik sa bansa BB Gandanghari, ibubulgar na ang hunk actor na nakarelasyon noon?!

  1. From an admired and well sought for matinee idol to an attention seeking melodramatic diva. It’s sad.. really sad. Its not even about self-expression anymore parang calling for attention and borderline insanity na yan BB.

  2. Hunk DATI SI Bb ,action star nga EH .So pare has sila hunk NI PIOLA.ok Lang yon SA states BAKLA SA BAKLA bastat mukhang LALAKI.SA Tate mga BAKLA Hindi HALATANG  mga beki, macho sila at may asawa PERO berde dugo.

  3. IT’s PAPA PIOLA  NAGLIVE IN SILA DATI STATES!DAPAT IBULGAR NA PARA MADALA SI PIOLA  AT MAGLADLAD NA ASAP.

  4. eh dahu ba yung diumano’y nakarelasyon nyang “mabait” na hunk actor? si papa p? yang si tandang ramsay?

Leave a Reply

Your email address will not be published.