Sa pagbabalik ni Kris Aquino, Mariel Rodriguez out na kay Robin Padilla?!

OLA CHIKKA! TULOY na tuloy na ang bagong noontime show na papalit sa napaka-controversial na Wowowee. Bukas nga ay mapapanood na ang bagong variety at game show nina Robin Padilla at Kris Aquino, kasama rin ang mga dating host ng Wowowee na sina Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion at Pokwang.

Masayang-masaya ang tatlong host ng Wowowee nang ma-absorb sila sa bagong show dahil hindi lahat ng kasamahan nila roon ay pinalad na makasama at ang iba ay tuluyan nang na-tsugi kasabay ng show.

Kung matatandaan ay hindi tinanggap ni Binoe ang offer bilang maging permanent host ng Wowowee dahil aniya ang Wowowee ay talagang nakatatak na sa manonood na kay Willie, kaya baka lumabas na nang-aagaw pa siya ng programa kaya nga nang tuluyan nang tsinugi ang Wowowee, tinanggap na ng action star ang Pilipinas Win na Win. Makakasama niya rito ang kanyang ex-lover na si Kris Aquino na uuwi ngayong araw at diretso sa rehearsal para sa bagong show nila bukas.

Hmmm… Hindi kaya mapasama si Binoe sa listahan ng mga lalaking nali-link kay Tetay ngayon? Paano na kung magka-developan muli ang dating lovers na sina Tetay at Binoe na noon ay may mala-fairytale na love story?

Ayon kasi sa aking parazzi girls, halos umabot na sa pagtatanan ang pag-iibigan nila dahil noon ay bata pa itong si Tetay. Pero ‘wag ka, huh, ngayong matalino at nasa tamang pag-iisip na si Kris, hindi malabong mabihag pa rin ni Bad Boy Binoe ang kanyang puso.

Papaano na itong present na nali-link sa kanya na si Mariel Rodriguez? Baka kapag nagkataon ay maging flavor of the month na lang ang dating niya?? Kung kayo si Binoe, Tetay o Mariel? Zanjoe!! Ha-ha!

NAMANGHA NAMAN AKO nang mapanood ko ang trailer ng indie film ni Direk Neal Tan na Tarima. Ramdam na ramdam mo ang hirap, sakit at pagmamahal sa pelikula lalo na at mga magagaling na artista ang cast. Nawala man sa showbiz at nag-concentrate sa fashion world sa loob ng tatlong dekada itong si Fanny Serrano, hindi ito naging hadlang upang magampanan niya nang mabuti ang kanyang role.

Ang Tarima ay umiikot sa istorya ng isang bading na si Fanny Serrano at karelasyon nitong bilanggo na si Rocky Salumbides. Kung saan ang mga bilanggo at bisita nitong girlfriend, asawa at gay-lover ay maaaring magtalik ng ilang oras o araw upang matustusan ang sexual na pangangailangan nila. Makakasama nila rito sina Gloria Romero, Tia Pusit, Ana Capri, Raymond Cabral, Rustica Carpio, Chokoleit, Oskar Peralta at ang five-year old child wonder na si Rap-Rap Leuterio.

Ang Tarima ay isinulat at idinirek ni Neal Tan na kilalang batikan pagdating sa indie films, kung saan ang kanyang pelikulang Ataul for Rent ay nailahok sa iba’t ibang competition at kinilala sa iba’t ibang award-giving bodies. Kaya naman, hindi na ako makapahintay sa mga awards na maaaring makamit ng pelikulang ito.

Ang Tarima ay handog ng Blue Gold Film Productions. Supervising producer si Gregorio Recuerdo III. Executive producer naman si Rey Maclang. Gaganapin ang world premiere ng Tarima sa CCP Main Theatre (Tanghalang Nicanor Abelardo) sa August 28, 2010 bago ang theatrical release nito sa Kamaynilaan at partisipasyon sa mga prestihiyosong festivals sa ibang bansa.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong actress na pinag-iisip ang marami kung totoo ngang may posibilidad na nagdadalang-tao dahil sa hubog ng katawan nito ngayon?

Kilala ang actress na ito sa pagiging sexy ngunit malaman. Siguro hard diet siya dahil mukhang tabain naman talaga siya ngunit kapansin-pansin ngayon ang laki ng itinaba ng actress na ito, kaya napapaisip tuloy ang marami kung sadyang taba lamang ito o panibagong dagdag populasyon sa Pilipinas?

Hmmm… Sino itong actress na pinag-iisipang buntis? Aha! Hindi kaya ito ang dahilan kaya liligwakin na ang kanyang palabas? Nagtatanong lang naman…

‘Yun na!

Kung hindi n’yo pa rin mahulaan ay alamin sa aking programa sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 a.m. to 12 nn kaya makigulo at maging una sa chikka kasama ang aking mga parazzi girls na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30-3:30 p.m. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleCong. Manny Pacquiao, nabigla sa pagpapakasal ni Krista Ranillo!
Next articleSharon Cuneta, basura na ang show, mukhang cheap pa ang wardrobe!

No posts to display