Sa ‘pag-rescue sa 3 Chinese drug lord
PNP, Dumistansya sa Away ng 2 Pulitiko

DUMISTANSYA SI Cavite Police Provincial Director S/Supt. Alexander Rafael hinggil sa batuhan ng akusasyon sa pagitan nina Cavite 2nd District Representative Ireneo “Ayong” Maliksi at Gov. Jonvic Remulla na umano’y may kinalaman sa pagpapatakas sa tatlong Chinese drug lords.

Unang inakusahan ng kampo ni Cong. Maliksi si Gov. Remulla na sangkot sa pagtangay at pagpapalaya sa Chinese drug lords na binuweltahan naman ng gobernador.

Nabatid din na ang naarestong barangay chairman ay kapartido umano ni Cong. Maliksi.

Ayon kay S/Supt. Rafael, hindi nakikialam ang awtoridad sa away-pulitika.

Sinabi pa ni Rafael na nakatutok pa rin sila sa pagresolba ng kaso at maaresto muli ang tatlong puganteng Tsino. Sa katunayan may sinusuyod na silang mga lugar na posibleng pagtaguan ng tatlong Chinese drug lords.

Samantala, inihayag din ni Rafael na may request na silang ipinadala sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) upang ilipat sa National Bilibid Prison (NBP) ang mga tinaguriang high risk detainees nang hindi na maulit ang insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.