Sa pag-atras sa serye nila
Lorna Tolentino, ipinagtanggol si Kylie Padilla

MARAMI ANG nainis at mayroon din namang nakaunawa sa pag-back-out ni Kylie Padilla sa seryeng pagsaasamahan nila nina Dingdong Dantes, Lorna Tolentino at Boyet de Leon.

Nainis ang ilan dahil present pa raw diumano si Kylie nang ganapin ang story conference ng Pahiram ng Sandali, pero aatras din naman pala ito nang magsimula na ang taping na ididirek ni Maryo J. Delos Reyes.

So hiningan ng reaction si Lorna sa ginawang pag-atras ni Kylie sa teleserye nila sa GMA 7?

Sabi ni LT: “Siguro ‘di niya alam na magiging ganoon ‘yung character niya. Kasi naging mas mature talaga. Hindi puwede siguro sa kanya, lalo with her religious beliefs.”

So naiintindihan at nauunawaan niya si Kylie kaya ito nagback-out? “Naiiintindihan ko. At pabor ako sa naging desisyon niya. Kasi talaga naman noon mabasa ko ‘yung script, sabi ko, ‘Naku! Wow! Wow! Mapapaganoon ka, eh’. Kasi sa first scene pa lang, naka-park sila, tapos gusto ng guy na nanliligaw sa kanya (Kylie) to do it inside the car. So, medyo, ooops! ‘Di ba, mature na kaagad?”

Isa pa raw ay may love scene din si Kylie kay Dingdong kaya naiintindihan daw ni LT kung bakit nag-back-out nang tuluyan ang anak na dalaga ni Robin Padilla sa kanilang teleserye.

 

FINALLY, INAMIN na rin ni Jake Cuenca na in-love siya kay Lovi Poe. Pero paglilinaw nito, wala pa silang relasyon ng actress.

“Yes, I am (in-love with her). Pero you have to ask her din kasi baka naman iba ang nararamadaman niya. I am but we don’t  have a relationship. I have feeling for her, I love her, it’s not a relationship yet,” pahayag ni Jake.

Ask kung ano ang pumipigil para magkaroon sila ng relasyon. Sabi ni Jake ay dahil daw siguro sa kanilang career.

May nagtanong kung si Lovi na ba ang babaeng hinahanap niya para makasama habambuhay?

“She’s  an amazing  person and a very, very amazing woman,” sagot niya.

Samantalang isa naman talaga si Jake sa pinaka-busy sa Kapamilya Network dahil dala-dalawang teleserye ang magkasabay niyang ginagawa, ang Kung Ako’y Iiwan Mo with Shaina Magdayao at ang primetime seryeng Kahit Puso’y Nasugatan with Iza Calzado, Andi Eigenmann at Gabby Concepcion.

 

KUNG SI Jake ay umamin nang in-love, si Enchong Dee naman ay naging malabo ang naging pahayag sa The Buzz nang tanungin kung totoo ba o hindi ang balitang break na sila ni Julia Montes.

“Naku, hayan na naman sila. Pero siguro mas magandang huwag na lang sagutin. Kasi every time na sumasagot ako, hindi naman nila pinaniniwalaan ‘yung sagot ko. So, ‘yun na lang,” say ni Enchong.

When ask kung totoo bang mid-October sila nag-break ni Julia, sagot kaagad ni Enchong, “Hindi po.”

Hanggang sa matapos ang interview kay Enchong ay walang naging malinaw na sagot sa aktor kung sila pa rin o hindi na ni Julia Montes.

 

SOBRANG PALANG dinamdam ni Mel Tiangco ang pagkawala sa ere ng kanyang show na Magpakailanman nang walang kaabug-abog noon sa GMA 7. Nagulat siya dahil mataas naman ang rating at sangkatutak din naman ang sumusubaybay kaya tuwing naaalala ay napapaiyak siya.

Muling ibabalik ang show, at ‘di napigilan ni Mel ang umiyak lalo nang ipakita sa screen ang mga da-ting pinagsama-samang episodes ng kanyang weekly drama program.

Kung hindi pa ito muling ibabalik ay ‘di malalaman ng press na nasaktan siya at ilabas ang kinimkim na sama ng loob.

Ilan sa gustong pagbabago ni Ms. Mel sa kanyang show ay maging dynamic ang bagong season, mas personal ang approach at maganda ang feeling ng bawat manonood.

 

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Sa pag-atras sa serye nila
Lorna Tolentino, ipinagtanggol si Kylie Padilla

  1. Lagi na lang api. Lagi na lang special treatment. Bakit ba laging binibigyan ng higit na espesyal na pagtrato ang mga Muslim? Bakit ba laging lumuluhod ang mga tao sa kagustuhan nila? Pag bawal sa mga Muslim dapat pati yung mga hindi Muslim sumunod din? Pag haram, apektado din dapat ang industriya? Wag kang mag-artista kung hindi ka professional! Lecheng mga dahilang relihiyon yan! Magkulong ka sa mosque mo!

Leave a Reply

Your email address will not be published.