Sa offer ng ibang network, sey ni Carla – Ayoko!

 

“AYOKO! SIYEMPRE, KASI GMA naman ako nagsimula.” Ito ang naging sagot ni Carla Abellana sa mga nagtatanong kung lilipat daw ba siya ng TV network. Sa isang banda, malapit na raw mag-end ang contract ni Carla sa GMA-7. Hindi nito itinanggi na may offers siyang natatanggap sa ibang istasyon. Pero wala pa raw silang napag-uusapan ng manager niyang si Arnold Vegafria. Hihintayin pa raw nila ang bagong kontrata na iaalok ng GMA. Siyempre naman, ang Kapuso network ang nagbigay sa kanya ng break kaya loyal daw siya sa kanyang home studio. Hindi rin daw siya naiimpluwensiyahan ng kasintahang si Geoff Eigenmann sa mga desisyon niya sa buhay especially sa kanyang career. Anyway, kung mag-o-ober da bakod itong si Carla eh, good luck na lang ‘teh, pero huwag ding mag-alala dahil malaki na rin naman ang improvement sa acting. Pagpapatunay nito ang pagtanggap niya ng awards sa Young Critics Circle as Best Performance in a movie para sa kanyang role sa Shake Rattle and Roll 12 Punerarya episode. Congratz, Carla!

Photos by Mark Atienza & Luz Candaba

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.