Sa NBN Deal: Neri, Guilty sa Simple Misconduct

IBINABA NG Court of Appeals (CA) sa simple misconduct ang naunang hatol ng Ombudsman na guilty sa grave misconduct si dating Socio-economic Planning Secretary Romulo Neri hinggil sa nabulilyasong $329 million National Broadband Network (NBN)-ZTE deal.

Base sa desisyon ng CA, wala silang nakitang elemento ng katiwalian sa kaso ni Neri kaya ibinaba nila ang naunang hatol ng ombudsman.

Gayunman, pinagbaba-yad pa rin si Neri ng katumbas ng anim na buwan nitong suweldo bilang parusa.

“The assailed Joint Decision of the Office of the Ombudsman dated April 21, 2009 is hereby affirmed with modifications in that… Neri is only held guilty of simple misconduct and is directed to pay a fine equivalent to his salary for six (6) months as penalty therefor,” ayon sa CA.

Samantala, una nang pinatawan ng anim na buwang suspensyon ng Ombudsman si Neri noong 2009 dahil sa pakikipagpulong kay dating Comelec Chairman Benjamin Abalos na nagsilbing umanong broker sa NBN-ZTE Deal.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.