Sa nanlabang suspek Pulis, patay sa atake sa puso

PATAY ANG isang pulis makaraang atakehin sa puso habang isinisilbi ang warrant of arrest sa isang wanted person.

Kinilala ang nasabing pulis na si PO3 Mitable ng Columbio PNP sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Sinabi ni S/Supt. Rolen Balquin, PNP provincial director ng Sultan Kudarat na hinabol ng arresting team ang salarin matapos itong manlaban habang may dalang granada.

Sa naturang operas-yon, nagawang mabaril at mapatay ng mga awtoridad ang nabanggit na suspek.

Habang idineklara namang dead on arrival sa pagamutan si Mitable na inatake sa puso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.