Sa nangyayaring eksena sa pamilya Kampo ni Ram Revilla, gulung-gulo na

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Don’t make your Monday a blue Monday. Maloloka ka talaga sa Earth dahil puro insidente ang mga nangyayari sa showbiz world, nakakaloka ang mga eksena!

At least nairaos na at nailibing na rin si Ram Revilla ngayon. Kaya lang, hindi pa rin matatahimik ang kampo ng mga kamag-anak ni Ram, na hanggang ngayon ‘yun pa rin ang tanong: Sino ba talaga? Sino ba talaga ang may sala?

Kasi ‘pag pinag-aralan mo talagang mabuti ang insidente, talagang parang pinagplanuhan, at kung sinu-sino na ang nasasangkot. Mahirap mag-isip kung sino dahil wala pa namang ebidensiya.

At ‘yung tungkol sa pag-alis ni Ramona Revilla papuntang Hong Kong, napaka-mahiwaga kung sino ang nag-escort at kung paano nakaalis.

According to Sen. Bong Revilla, guilty nga raw! Naku, napakagulo talaga ng mga eksena na ito, parang hindi effect kung makikisali ka pa.

Pero for me, dahil napamahal talaga sa akin itong si Ram, dahil every birthday ko ‘pag November, nandu’n lagi siya. Kaya lang ngayon ay wala na dahil wala na siya. Ang sa akin lang sana, bago dumating ang b-day ko, mahuli na kung sino ang dapat managot.

 

KUMUSTAHIN DIN NATIN ang nangyaring eksena sa tatay ni Charice Pempengco. Mabuti naman at nailibing na rin ang tatay niya.

Ang magandang balita lang dito, buti naman at nahuli na ang nakapatay sa kanyang ama. At ang salarin ay ‘yung Angelo Capili, Jr. Umamin naman siya at hinding-hindi siya mapatawan ni Charice at ina nitong si Raquel, kahit na isa pa siya sa fans ni Charice.

Nakakaloka! Sana, matapos na ang ganitong trahedya at kailangan ng prayers para wala nang sumunod na ganitong karumal-dumal na patayan.

 

BLIND ITEM: SINO siya? Sino naman kaya itong TV host na talaga namang maloloka ka talaga sa Earth dahil habang tumatagal ay parang palaki na nang palaki ang balakang at boobelya? Nakakawindang, masa-shock ang madlang pipol kapag umamin na siya… windang, ‘di ba?

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

7 thoughts on “Sa nangyayaring eksena sa pamilya Kampo ni Ram Revilla, gulung-gulo na

  1. yung isang suspek na si “BRYAN REVILLA” bakit hindi dinampot? yan ang pangany na anak ni LANIE MERCADO AT BONG REVILLA JR. kasi last year MAY 2010 ELECTION dapat tumakbong vice mayor si RAMGEN dito sa IMUS CAVITE pero binawalan siya ni BONG REVILLA kaya hindi natuloy ang pagtakbo ni RAMGEN bilang VICE MAYOR ng IMUS. GANID SA KAPANGYARIHAN SI BONG REVILLA gusto niya ANG MGA ANAK NIYA NA SI BRYAN REVILLA AT JOLO REVILLA ang kumandidato sa IMUS CAVITE pati na ang mga kapatid niya sa INA. Pero pag anak ni GENALYN MAGSAYSAY ayaw niyang mamulitika kasi masasapawan ang mga anak nila ni LANIE.MATATALINO ANG MGA ANAK NI GENALYN DAHIL SOUTHVILLE INTL SCHOLL NAGAARAL AT PURO MUKHANG ARTISTA AT MESTISO AT MESTISA LAHAT NG 9 NA ANK NI GENALYN KAYA INGGIT SI BONG AT LANIE KAY GENALYN.

  2. bahala kayo sa buhay nyo. yang nanay nila madrama masyado at denial queen nah! di matanggap na mga anak niya nagpapatayan na dahil sa pera! maryosep!!!!!

  3. Nagiging trial by publicity na ang mga nangyayari tungkol sa kaso na yan at pati mga nakikisawsaw ay nagkaka-away away na rin dahil nagpapakialamanan ng mga opinyon gaya dun sa isang website na magulong gulo na rin nung una pati ang ina na si gennelyn pinapatay na rin daw ang kanyang anak dahil sa pera kung saan -saan na napupunta ang mga opinyon tapos si ramona ngayon bumabalik na naman ke RJ at meron din nagkakapikunan dahil sa mga bastardo, illegitimate child mga sinasabi na inahing baboy. Mas maganda na tigilan na lang ng media ang issue na ito at ipaubaya na lang sa mga pulis at sa mga NBI para mas matutukan na ang kaso na ito na hindi na dinadaan pa sa pagka hype. Nito lang ay mga puro patayan ang mga issue at ngayon naman ay si ALI P.. Malapit na magpasko at tayo ay lumayo na sa mga ganyang issue at paghandaan na natin lahat ang nalalapit na pinaka mahalagang buwan sa atin ang buwan ng kapayapaan at pagbibigay ng mga regalo malapit na ang ARAW NG KAPASKUHAN.

  4. Tita Swarding… Ano masasabi mo at Highest Grossing Pinoy Film OF ALL TIME yung
     ” PRAYBEYT BENJAMIN” ?     NA SBE MO KAILAN LANG NA NILANGAW? 

    im WETTING FOR YOUR ANSWER.. 

  5. Base sa akin narinig sa testimonya para sa aking sarling opinion,nung gabing may nangyari kay Ramgen at kay Janelle si Ramona ang kumatok sa kwarto ni Ramgen and biglang may taong pumasok at bumaril sa magkasintahan the big question is bakit di man lang naramdaman ni Ramona na may tao sa likod nya?and bakit di sya binaril ng killer to think na pwede syang maging saksi?saka grabe yung bahay eh ang laki di ba naramandaman ni Ramona na may nagbukas ng pinto at may naglalakad sa likuran nya?Questionable lang talaga yung part na bakit sya di binaril ng killer eh andun sya sa pangyayari?Next thing eh bakit di nya pinagtanggol ang kapatid nya?di nya ba kayang isakripisyo ang buhay nya para sa mahal nyan kapatid?to think na sa interview sinasabe nyang mahal nya ang kapatid nya eh wala naman syang ginawang tulong.Third thing bakit sya umalis ng bahay at di na bumalik?Nagiwan pa ng tape eh may script na nga di pa maitama..hahaha…Hhhmmm…Pakisagot nga Ramona!

Leave a Reply

Your email address will not be published.