Sa nagsasabing may Parkinson’s Disease siya
Manny Pacquiao: Ipagdarasal ko na lang sila!

NOONG NAKARAANG laban ni Manny Pacquiao kay Juan Manuel Marquez, nakatulog ito nang ilang segundo sa ring. Pagkatapos nito, may isang balitang lumabas na diumano ay nagkaroon na raw ito ng sintomas ng pagkakaroon ng Parkinson’s Disease.

Pero ipinagkibit-balikat na lang ng Pambansang Kamao ang isyung ito.Kuwento nito sa isang report recently, “I’m not ah… we have a judge ‘no? Sa taas, ang Panginoon, hayaan na lang ‘yon. Ipagdarasal ko na lang sila. Sabi nga du’n sa Bible, pray for those who persecuted you.”

Sa CT scan naman na lumabas sa hospital sa Nevada, iginarantiya nitong maayos ang kalagayan ni Congressman Pacquiao. Kaya huwag na tayong mag-speculate pa. Gets?

 

KASALUKUYAN NA raw inaayos ni BB Gandanghari ang mga papeles para sa kanyang binabalak na sex change operation. Katunayan, inuuna na raw ng dating actor na ngayo’y aktres na kung ituring ang pagpapapalit ng pangalan niya sa kanyang birth certificate, from Rustom Padilla to BB Gandanghari.

Ano naman kaya ang masasabi ni Robin Padilla sa binabalak ng kanyang kapatid? Tugon ni Binoe, “Wow, wow, wala muna akong reaction diyan.”

Dagdag pa niya, “Eh, desisyon niya lahat ‘yan. Desisyon niya lahat ‘yan.”

Kuwento pa ni Robin, “Wala, wala namang ano, wala namang kumokontra sa kanya sa pamilya. Ano lang ‘yan, kanya-kanyang prinsipyo tayo sa buhay, ‘di ba? Trip niya ‘yun, masaya siya du’n, bahala siya. Kami masaya kami rito, kanya-kanyang trip ‘yan. Pero siyempre  pagka may nangyari sa kapatid ko, ikaw ang unang pupunta du’n, eh… kapatid, eh. Wala nang basagan ng trip ngayon. Naku, ang tatanda na natin, magbabasagan pa ba tayo ng trip.”

 

SEE YOU in court na ang drama ngayon between Sarah Lahbati at ni GMA Films President Atty. Annette Gozon-Abrogar  dahil last Thursday ay nagsampa na ito ng kasong Libelo laban kay Sarah sa Makati City Prosecutor’s Office. Ito ay bunsod sa mga mapanirang tweets diumano ni Sarah lalo na ‘yung kanyang sunud-sunod na ‘21 twitter posts’ noong January 7, 2013, kung saan pinaratangan siya at ang dating GMA Artist head na si Arsenio ‘Arsi’ Baltazar ng paggawa diumano ng ‘under the table’ transac-tions sa mga artista ng GMA at pamumuwersa umano kay Sarah na pumirma  ng kontra sa ICONS celebrity marketing.

Sa ulat ng Balitanghali ng GMA NewsTV last January 11, ibinigay nito ang kaunting detalye sa nakasaad sa complaint affidavit ni Abrogar. Nakasaad dito, “Hindi niya pinuwersa si Sarah o sino mang artista ng GMA na pumirma sa ICONS. Si Sarah pa nga raw at ang ina nito ang humingi ng tulong sa kanya para makakuha ng mas maraming endorsement si Sarah, kaya raw ibinigay niya ang contact details ng ICONS, na isang kumpanya na nagbibigay ng branding at imaging services sa mga GMA artists.”

Dagdag pa sa affidavit, “Malinaw raw na nais lamang gumanti ni Sarah sa GMA dahil ipinapawalang-bisa nila kay Sarah ang kanyang co-management contract sa artists management ni Annabelle Rama, dahil labag ito sa kanyang kontrata sa GMA.”

Sa kaugnay pang balita, sinabi ng GMA na bayad na si Sarah sa kini-claim nitong unpaid talent fees sa kanya ng network.

Ayon pa sa ulat, “Nabayaran na si Sarah para sa kanyang pelikulang Basement’ sa GMA films. Naantala ang pag-release ng bayad dahil na rin kay Sarah, dahil hindi nito agad ibinalik ang kanyang pinirmahang kontrata.”

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

One thought on “Sa nagsasabing may Parkinson’s Disease siya
Manny Pacquiao: Ipagdarasal ko na lang sila!

Leave a Reply

Your email address will not be published.