Sa nabubulok na relief goods
Senado, bitin sa paliwanag ng DSWD

PINASUSUMITE NANG Senado ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) office ng aktwal na ulat hinggil sa mga nabubulok na relief goods na dapat sana’y ipamimigay sa mga biktima ng supertyphoon Yolanda sa Eastern Visayas.

Bagama’t sinabi ni Senate finance committee chairman Chiz Escudero na idenepensa ni Social Sec. Dinky Soliman na kakaunti lamang ang mga nabulok na relief goods na kanilang inilibing para  matiyak na hindi na makain at magdulot pa ng masama sa kalusugan ng mga residente.

“Well ayon sa kanila kakaunti lamang naman at kukunti lamang naman, kaysa makain o mapakain o magkamali pang mapadala sa kung saang lugar, maganda na yung ginawa nilang binaon pero nagbabago pa yata yung figures, from one sack naging four sacks of rice and Secretary Soliman committed to submit to us the actual date upon the questioning of Senator Binay,” pahayag ng mambabatas.

Naniniwala ang senador na may kakulangan sa panig ng gobyerno hinggil sa relief operations sa mga biktima ng kalamidad.

“Definitely merong inefficiency somewhere, definitely hindi pa natin nape-perfect, kahit na lang yung pagdistribute natin ng plastic bag na may lamang bigas, lata ng sardinas, instant mami noodle at kape, hindi rin naman efficient yon mismo dahil yung mga tinamaan ng bagyo, kalamidad o baha, walang bahay, walang plato, walang tinidor, walang pambukas ng delata… Kahit naman yon ay inefficient at kahit naman yon hindi pa talaga eksakto pero patuloy pa rin ginagawa,” dagdag pa ni Escudero.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.