Sa naabot na tagumpay sa showbiz Julia Montes, ‘di tutulad sa kabataang artistang maagang nagloko o nagpabuntis!

BLIND ITEM: Dapat me magsabi sa beteranong aktor na ‘wag siyang ma-high blood kung hindi siya kinukuha for a mainstay or guesting sa isang teleserye.

Nalolokah ang production staff sa kanya, dahil porke ini-inquire lang ang kanyang availability ay inaakala na niyang siya na ang kukunin at hahatiran na siya ng script sa bahay.

Ang nakakalokah, tine-text siya kung puwede ba siyang mag-guest sa isang teleserye. ‘Pag umoo naman siya at sinabi ng talent coordinator na babalikan siya uli for reconfirmation, asang-asa na ang beteranong aktor.

Hanggang sa ite-text siya ng talent coordinator para sabihing next time na lang. Nako, ‘pag ‘yon ang mga salita, tatawag na ‘yan sa kausap at sasabihing, “Ba’t hindi ako tuloy? Porke ba wala akong ibinibigay na komisyon sa ‘yo, tatanggihan n’yo na ‘ko?

“Dapat ba, me ibi-gay ako sa ‘yo para kunin mo ‘ko?”

Na kung kilala namin ang taong kausap nito, never itong nabalitaan naming nanghuthot o nanghingi ng pera sa mga artista.

Sabi nga nito, “Ano’ng magagawa ko? Ako ba ang executive producer ng show? Napag-utusan lang naman akong magtatawag ng artista para kunin siyang guest at kung hindi puwede, me kontra abiso naman.

“Sana naman, ‘wag masakit magsalita. Tauhan lang din ako!”

Hay, nako, sana, ‘yung anak na lang nito ang mag-sorry nang mag-sorry sa talent coordinator na tinalakan ng tatay niya.

 

ILANG CONCERNED citizens na rin pala ang nagpayo kay Megastar Sharon Cuneta na itigil na ang pagpatol sa mga bashers at haters sa twitter, dahil ang nangyayari, lalo lang na-

nganganak sila at inookray siya.

Knowing Sharon na talagang ‘pag feeling niya ay inaapi siya at parang mali ang paratang sa kanya, ito ay kanyang sinasagot, kaya nababasa rin ng kanyang 152k twitter followers.

Kami nga ay graduate na riyan sa pagsagut-sagot sa mga okray sa twitter. Hindi na rin kami nasasaktan. Mas nasasaktan at naaapektuhan ang mga haters na ‘yan kapag napansin nilang wala nang pumapasok na message ng artistang inokray nila dahil blocked na nga sila.

Nu’ng pang-ookray sa nanay ko ng ilang fans ni Charice Pempengco, siguro, may 300 din kaming binlock at kapag merong nag-tweet sa amin na i-unblock na ‘yung kanilang kaibigan ay hindi pa rin namin ginagawa.

Baket ba? Ang katwiran namin, batas ko ang masusunod sa twitter account ko.

Kaya kung gago ka, hindi ka namin papansinin. Ikaw ang makakapansin na blocked ka na.

Kaya kay Sharon, ‘wag nang masyadong mag-emote sa twitter. Hindi lahat ng followers mo, kuha ang emosyon mo. ‘Yung iba’y puwede pang maartehan sa ‘yo.

Meron pa ngang nagpasa ng message sa amin na, “Wala na po bang ibang pinagkakaabalahan si Sharon Cuneta, kundi isa-isahing sagutin ang mga haters niya sa twitter?”

Si Sharon lang ang dapat sumagot niyan.

 

ANG BUONG akala ni Julia Montes ay mag-i-scriptreading lang ng Walang Hanggan sa isang tent sa taping, pero nu’ng pagbukas niya ng pinto, sina Susan Roces, Helen Gamboa, Richard Gomez, Paulo Avelino at Melissa Ricks (kasama pala kami) ang bumulaga sa kanya habang umaawit ng, “When you were just seventeen, you know what I mean…”

Hahaha! Isang bonggang “Happy Birthday, Julia!” ang kanyang narinig with matching balloons and cake na binlow niya.

“Na-touch naman ako sa inyo! Sobrang thank you!”

17 na si Julia Montes. Ang la-king bulas na bata. At balita namin, nakabili na rin ng sariling house and lot si Julia na kanyang pangarap, at nagkaroon nga siya ng house warming kahapon.

We’re very happy for Julia. Sana lang, ‘wag siyang matulad sa ibang batang artista na nandu’n na sa peak ay doon naman nagloko o nagpabuntis.

“Hindi po. Marami pa po akong pangarap para sa pamilya ko. Kaya wala rin po akong boyfriend-boyfriend ngayon!”

Panindigan mo ‘yan, Clara, ha? Ah, este, Katerina!

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

20 thoughts on “Sa naabot na tagumpay sa showbiz Julia Montes, ‘di tutulad sa kabataang artistang maagang nagloko o nagpabuntis!

  1. SANA SI MELAI O SI POKWANG ANG PI-NAIR KAY COCO LOCO NAKU FOR SURE RIOT ANG TELESERYE DAHIL SIGURDONG WALANG HANGGAN KASI IMORTAL ANG MGA ASWANG………………BWAHAHAHAHAHAHAHA…………IN FAIRNESS MEDYO HAWIG SILA NI JULIA HA

  2. maraming nagcocoment bakit si julia ang gumanap sa walang hanggan. di naman daw maganda. kahit daw tingnang mabuti di daw talaga maganda.

  3. bakit hugapadada, wala bang nabubuntis na talent ang gma? eh anong tawag mo sa pinagbubuntis ni katrina halili, kayawa? bobits ka talaga.

  4. Kaya nakabili kaagad ng bahay si Julia Montes ay dahil di maluho yung Lola nya. Ni ayaw daw.  magpabili ng bagong gamit. Yung ibang magulang kasi, inasa na lang sa anak ang lahat.

  5. Agree ako sa comment ng iba, na parang dekorasyon lang si Julia sa WH.

    Dahil sa kabataan niya, hindi siya puwedeng maging intimate ang character niya sa character ni Paolo Avelino, na asawa niya sa WH.  Ang acting niya, hindi proactive, kungdi reactive.  Pero reactive na nga, kulang pa rin, para lang siyang istatwa na nakatayo na parang wala sa sarili.

    Magaling naman siya umarte siguro, pero miscast siya sa teleseryeng WH.  Sana kumuha sila ng mas-experienced at mas-mature na artista para sa role.  

    • hindi mo cguro alam na dahil kay julia montes sumikat ang WH,baka ang director ang dapat kang mag comment kasi kung ano nman ang sasabihin ng director cya din ang sundin niya di ba?julia montes is one of the cast that makes WH number one.
      the teleserye of walang hanggan is not only for a mature viewers kaya julia is the right actress for wH.

  6. Magandang attitude yung di tutulad sa mag artistang maagang nagpabuntis tulad ng nangyari sa ABS CBN talent na si Andi E na nabuntis na hindi malaman kung sino ang tunay na ama sa mga artistang lalaki sa Dos! But for G’s sake, MUKHA namang buntis ang pigura ng katawan mo Julia Montes. Mas maliit pa yata ang waistline ni Enghong Dee sa iyo ah! From a true friend to another, Julia MUKHA ng pangMATRONA ang katawan mo, konting exercise naman.

  7. Hats off to Julia Montes. So young at 17 but so responsible. Marunong tumanaw ng utang na loob sa nag ampon at nag palaki sa kanya. Mahal na mahal niya ang lola niya which is her inspiration to work harder.

  8. 0k naman c julia eh cgr0 k0nting hasa pa mala bea al0nz0 ndn yan,and paul0 avelino may ibubuga pah xah s acting cgr0 nid p lang nya nang mas magandang r0le pah para mailabs nya ung talent nya s acting haha mas magalng nya xah ngaun eh kaysa n0ng asa gma xah,

  9. mukhang sanay kumain ng burat itong julia montes pero palihim para di masira ang image.

    mega-baboy, huwag mo ng patulan yung mga haters. idaan mo na lang sa kain as usual o magpa-mani pedi kay kay piola

  10. c sharon malayong malayo kay kris….dito sa huli kahit na ano ang sabihin mo dedma lang si sharon parang di edukada noon nakisawsaw sa sarah kristine ngayon heto na naman.

  11. di ko rin feel si julia…mas ok pa nga c melissa at coco .maganda lang talaga ang story at magaling c dawn at coco plus melissa bagay na bagay sa kanila ang role.

  12. para sa akin ok lang ang tandem nila. Bata pa si julia at marami pa syang bigas na kakanin at mahahasa rin yan dahil magaling ang ABS-CBN sa paghahasa ng talents nila.

  13. watching WHm forgettable ang tandem ni Coco at Julia magaling lang si Coco.  Mas may dating pa ang coco-melissa at of course dawn.  Mabait na bata si Julia kaso di talaga feel sila ni Coco.  HW is top rater because of Coco and Dawn plus Melissa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.