Sa muling pagkabuhay ng kanyang career
Ethel Booba, dapat pang magpasalamat kay Willie Revillame

BLIND ITEM: Is a socialite TV host revealing too much of himself in his show, particularly his sexual preferences?

Taped in—we suppose—his co-owned high-end establishment, mas angkop kung kinukunan ang bawat episode nito sa Tatalon, Quezon City. After all, the 30-minute program’s bumpers have the host and his guest/s jumping on a cushioned surface with matching naghahampasan pa ng mga unan.

Kapansin-pansin that in several episodes ay “bumibigay” na ang TV host, literally laying down his cape most specially kung ang kanyang mga male—and not so male—guests are like viands na kanin na lang ang kulang to whet one’s sexual  appetite .

In fairness though to the TV host, as decent as he is ay disente rin niyang nailulusot ang kanyang sinisikil na damdamin as regards his sexuality. Given a chance na makasalubong siya, isa lang ang sasabihin namin sa kanya that goes with our admiration for him, “T.Y. as in ‘thank you’.”

 

SA HALIP na umani ng simpatya ang panayam ni Gary Lising sa Startalk nitong Sabado, may halong pagkainis ang naramdaman ng isang may-edad na ring komedyante.

Sa iskrip na ibinatay sa pagsasaliksik sa background ng pamosong komedyante (of Champoy fame), naiulat na 61 years old ito, bagay na inalmahan ng kanyang kabarong tutok na tutok sa panonood ng nasabing interview ni Butch Francisco.

“Ano, sisenta’y uno lang siya?!” pangu-nguwestiyon nito. Hindi tuloy nito napigilang bumulalas ng, “Naghihirap ka na nga, sinungaling ka pa!”

Umikot kasi ang panayam sa ngayo’y lugmok na kalagayan ni Mang Gary, blame it on his health condition that depleted all of his savings. Ang noo’y high-end niyang lifestyle ay tulad na rin ng pangkaraniwang tao na nagko-commute (except riding a cab) at kumakain na lang sa turu-turo.

Again, this is a lesson for all of us, lalung-lalo na sa maraming taga-industriya na nginitian ng magandang kapalaran only to wake up to a day of nothingness. Preparedness is perhaps the key word.

 

MALAYO PA man ang Lenten Season observance ay nauna nang i-resurrect ang nangulimlim na career ni Ethel Booba, this via her hosting stint in Wowowillie nang magbagong-bihis ang programa, from its title to its time slot.

Prior to this big break, where was Ethel nga ba? Hindi nga ba’t ang tanging naaalala lang tungkol sa sexy comedienne na ito was her string of iiiwww! scandals not even a pokpok woman could be proud of?

Pero tulad ng isang napariwarang kaluluwa, there’s always a redemption. Mula sa mga isyung sukdulan sa katsipan, himalang nginitian ng suwerte si Ethel nang kunin ni Willie Revillame para maging isa sa mga host ng kanyang noontime program.

While there were doubting Thomases in the midst who questioned Willie’s choice para bigyan muli ng pagkakataon ang hitad, all those negative forewarnings were like pasok-dito-labas-dito kind of a dedma attitude para kay Willie.

The skeptics were right all along. Pahiya si Willie. Ang pinagkatiwalaan niyang host had proven to be a monster herself.

Kelan lang, kinuhang Gangnam guest si Ethel ng Celebrity Bluff ng GMA, with its teaser/plug obviously capitalizing on her being a “reject”. In hindsight, Ethel traces her roots to GMA. Pero sana naman, huwag kumagat ang istasyong pinagmulan ng hitad sa bitag, thus taking her back and resuscitating her TV career na nag-flat line na!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

14 thoughts on “Sa muling pagkabuhay ng kanyang career
Ethel Booba, dapat pang magpasalamat kay Willie Revillame

  1. Jusko, Alam naman ng buong (Party) Pilipinas na bading si Tim Yap. Ikaw na lang ba ang hindi nakaaalam o sadyang nagta-tangatangahan lang?

  2. bakit hinde ikaw ang magpasalamat kay willie eh halata naman kasma ka sa mga bayarang reporter ni willie tropa ni fermin

  3. Willie Revillame ubod ka naman talaga sa yabang kang animal ka..inaantay namin ang pagbagsak mo, darating din yan kaya antayin namin..

    • sabi nga ni madonna sa kanta niya, ‘time goes by so slowly for those who wait’. kapag hinihintay mo ay hindi darating.

      • oo nga naman matagal pero sure di na makabangon..lahat naman may kapalit di naman agad agad yan pero darating din yan..umpisa yan sa sakit nya 

      • KAW NAMAN. YANG SI CARRASCO ANG ISA SA MAGAGALING MAGSULAT SA ENGLISH. EH TLG NAMAN KASING TAGLISH NA ANG ATING UNOFFICIAL LANGUAGE. MERON BANG PINOY NA NAGSASALITA PARATI NG STR8 ENGLISH O STR8 FILIPINO SA NGAYON? WALA DI BA. NUNG PANAHON NINA CARMEN ROSALES SIGURO, ANG MGA PINOY EH PURONG TAGALOG ANG SALITA. SO, OKS LANG YAN. KOREKEK NAMAN ANG GRAMMAR NITONG SI CARRASCO. 

  4. YANG SI TIM YAP ANG SOCIALITE DAW NA DI MUKHANG SOCIALITE. HAHAHA. KALOWKAH ANG MGA SEQUINED OUTFITS NYA HA. PARANG WALANG KATULOG-TULOG. HAHAHA. YUN NA!

  5. huwag mo namang husgahan si ethel. kailangan niyang maghanapbuhay. at kung may nagbibigay sa kanya ng pagkakataon, wag mo ng kontrahin. hindi naman ikaw ang  magpapasweldo sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.