Sa Muling Pag-atake ng BIFF; Maguindanao PNP, Alerto

NAKAALERTO ANG buong pwersa ng Maguindanao-Philippine National Police (PNP) kasunod ng muling paghahasik ng kaguluhan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Sinabi ni Maguindanao police provincial director S/Supt. Rodelio Jocson na nakahanda ang mga awtoridad na tapatan ang puwersa ng BIFF.

Dahil dito, kanyang ipinag-utos na paigtingin pa ang seguridad sa lugar.

Patuloy sa ngayon ang clearing operations sa national highway sa Guindulungan na nagkokonekta sa General Santos City at Cotabato matapos ang ginawang pananakot ng BIFF na nagtanim umano sila ng improvised explosive device sa naturang kalsada.

Dakong alas-4:30 ng madaling-araw kahapon nang salakayin ng mga rebelde ang dalawang Army detachment sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao, na nagresulta sa engkuwentro.

Samantala, wala namang naireport na namatay sa umiinit na labanan ng mga sundalo at BIFF.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.