Sa misteryosong pagkawala ng 2 drug suspects Caloocan police chief, nagbabala sa mga tauhan

BINALAAN KAHAPON NI Caloocan City Chief of Police Senior Supt, Jude Santos ang kanyang mga opisyal at miyembro na gugulong ang kanilang ulo kapag nahuli niyang sangkot ang mga ito sa katiwalian o “hanky-panky” business.

Ang nasabing babala ay bunsod ng misteryosong paglaho ng dalawang pinaghihina-laang drug pushers ilang oras ng mga ito ay maaresto ng Station Anti-illegal Drugs-Special Operations Task Group (SAID-SOTG) in Bagong Barrio noong  nakalipas na linggo.

Nakunan ng larawan ni photojournalist Nick Galino ang mga nahuling suspek na isang lalaki at isang babae habang ipinapasok sa piitan ng SAID-SOTG na pawang nakaposas.

Sinasabi ng mga operatiba ng nasabing departamento ng droga naaresto nila ang dalawang suspek sa kasong illegal na sugal at ito ay kanilang inilipat sa Station Investigation Division (SID) subalit ito ay pinasinungalingan ng isang im-bestigador ng SID.

Napaulat na nadismaya si Santos ng malaman nito ang “misteryosong” pagkawala ng mga nahuling suspek.

“Galit talaga si Hepe dahil sa lahat ng ayaw n’ya ay ‘yung nagmimilagro at gumagawa ng pera ang mga tauhan n’ya at nakakaladkad ang Caloocan Police. Nililinis nga naman n’ya ang mga bugok na pulis, tapos may mga sumasaliwa pa rin,” ayon sa ilang insider ng Caloocan police station.

Sinabi ng source, ilang tauhan ng SAID operatives ay tahasang binabalewala umano ang babala ni Santos na patuloy sa masamang gawain tulad ng pagbabangketa ng mga huli sa droga.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.