Sa mga patuloy na naninira Maja Salvador: “hindi ako susuko!”

HOW TRUE NA ang isa sa mga tampo ni Sharon Cuneta sa kanyang anak na si KC Concepcion ay may kinalaman sa hindi pag-imbita ng huli sa kanyang ina na makita ang kanyang condo unit?
Totoo ba na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakatuntong si Sharon sa condo unit ni KC sa The Fort?
Minsan nga raw ay may activity si Sharon sa The Fort at nasabi raw nito sa mga kasama na merong condo unit ang kanyang anak doon pero hindi pa raw niya nakikita.
Could this be true? Pakisagot nga po.
NAPAIYAK SI MAJA Salvador sa sobrang intriga na sa tingin niya ay below-the-belt na.
“Masyado na. Tinatapakan nang masyado ‘yung pagkatao ko. Tao lang din po ako na nasasaktan. Hindi porke’t artista… nakita n’yo na strong,” paiyak na sabi ni Maja sa presscon ng Thelma.
Nasulat daw si Maja na inagaw ang boyfriend ni Toni Gonzaga na si Paul Soriano na nagkataon namang director niya sa Thelma. May issue pa na kesyo playgirl daw siya at lasengga.
“Hindi ‘yon, hindi naman ako ‘yon, eh. Hindi naman ako playgirl, hindi naman ako lasenggera, hindi ako mang-aagaw ng boyfriend so hindi ako ‘yon. Hindi po talaga ako mahilig mag-clubbing. Lagi lang po ako sa bahay, mall, manonood ng movie. Gano’n lang po,” esplika ng dalaga.
Nagbitaw ng salita si Maja na hindi siya padadaig sa kanyang mga detractors.
“Doon sa mga naninira po, hindi po ako susuko,” sabi niya.
Happy ang dalaga sa pagkakaimbita ng Thelma sa 31st Hawaii International Film Festival.
“Isa ‘yong sa mga gusto kong ma-experience na dalhin ‘yung mga pelikula nating mga Pilipino sa ibang bansa para mapansin po tayo.”
BLIND ITEM: INABOT ng 9 a.m. ang taping ng isang sikat na aktres. Pagod na ang buong production, pero hindi naman sila makaangal dahil kailangang tapusin ng aktres ang isang eksena.
Imbiyerna na ang direktora. Hindi pa kasi makuha-kuha ng aktres ang gusto niyang acting. Ayaw na ayaw kasi ng director ng soap acting kaya piniga talaga niya ang kanyang lead actress.
Naimbiyerna na rin ang young actress. Feeling niya ay pinag-iinitan na siya ng director. Nagbanta pa nga raw ito na magsusumbong sa kanyang ma-nager para masermunan siguro ang direktora.

Sa wakas ay nagawa rin ng sikat na aktres ang ipinapagawa sa kanya. Kaya lang, inabot na sila ng umaga sa taping.
Da who ang aktres na hindi makuha ang gustong acting ng kanyang director? Naku, sikat siya ngayon at ang daming fans na nang-aaway.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

9 thoughts on “Sa mga patuloy na naninira Maja Salvador: “hindi ako susuko!”

  1. TAMA, SI KIM VANG CAY YAN……..YAN ANG “TROPANG KAWAYAN” BAGONG NAME NG FAN CLUB NI KIM……..MERON PANG ISANG GRUPO “KIMpon NG KADILIMAN”……….NAGTAKA KA PA BAKIT MGA WAR FREAK YAN………….HAHAHAHAHA

  2. sa blind items si kim chui yan wala ng iba pa?kasi hindi marunong umarti.sikat na young actress.at palaaway ang mga fans.ano kaya masasabi  sa mga kim chui fans.tama pigain siya ng husto ng director para mag rate naman ang soap niya para naman  mapag usapan,nakakalungkot hindi nga naging hit.

  3. feel ko si kim chiu..kasi kahait na sobrang lakas mang-inis nitaong si marian eh magaling naman talaga siya umarte…tapos yung clue pa ehh maraming fans na nang-aaway, eh diba yung fansclub ni kim eh mga warfreak…

  4. miko tanga ka. ang direktor ni marian ay bakla, hindi babae. sa article sabi babae ang direktor. kung makapag comment ka naman. obvious bang TANGA ka talaga.

  5. obvious naman na si marian yung pinatutungkulan ng B.I na ito mga reporter/writer na walang maisulat ginagamit si marian para may maisulat kasi pini-pickup ng mga mambabasa pag si marian rivera ang nasa article… kayo kaya ang lumagay kay marian na aside sa 2 tv shows, mga guestings, endorsements, film shootings ay nagagawa pang sumama sa mga provincial road shows ng Amaya natural mauupos ka dahil sa pagod ang importante nagagawa nya ng maayos ang trabaho nya eh ano magagawa nyo sobrang blessed sya eh kayo “NGA- NGA”

  6. Para sa hindi pa nag vote ke shamcey SUPSUP i click nyo lang yung link sa PEP para makapasok ang pambato natin sa MS. UNIVERSE sa top 15 finalists. Nangangailangan sila ng maraming vote para hindi tayo mangulelat at mapahiya sa MS.UNIVERSE. hanggang 10 beses tayo pwedeng mag vote. VOTE NA KAYO kasi hanggang sa sept. 11 na lang yung vote na yun at maliit pa lang yata ang nakaka vote SA MS.PHILIPPINES – UNIVERSE. VOTE NA KAYO.

Leave a Reply

Your email address will not be published.