Sa mga kritikal na oras
Zsa Zsa Padilla, nasa tabi lang ni Dolphy

HABANG BINABASA ‘nyo tong column ko, hindi ko sure kung ano na talaga ang kalagayan ni Mang Dolphy.

Nu’ng kamakalawa ng hapon lang ay in-announce na ni Eric Quizon na very critical na ang Daddy nila kaya lahat sila ay nagbabantay na roon sa hospital.

Lahat naman sa showbiz ay nagdarasal para sa Hari ng Komedya at lahat ng mga tao ay sumusubaybay sa latest update.

Nu’ng nakausap ng Startalk si Eric, medyo emotional ang actor/director dahil nakikita nilang nahihirapan na ang kanilang ama. Pero lahat daw sila ay nagdarasal na sana magkaroon pa ng milagro para makasama pa nila nang matagal-tagal ang kanilang ama.

Dagdag pang kuwento, napag-usapan na raw ng ilang mga anak ni Dolphy sa Amerika na kung ano ang mangyari ay baka hindi na raw sila uuwi ng Pilipinas. Nadalaw na nilang lahat kamakailan lang, kaya mahirap pa raw sa kanila ang bumalik pa rito. Ang dinig ko, ang isang anak na lang nitong si Edwin ang uuwi rito.

Pero, as of presstime ay nakatutok ang lahat at nagdarasal na sana maging magaan lang ang lahat para kay Dolphy at pati na rin sa mga pamilya niya.

Ang talagang nakabantay sa tabi nito at hindi siya iniiwan ay si Zsa Zsa Padilla.

Nu’ng huling kita nga namin ni Zsa Zsa sa misa ng death anniversary ni Rudy Fernandez ay medyo upset na ito dahil labas-masok nga raw ng hospital si Dolphy. Tapos nagkakasakit din daw siya minsan, kaya nahihirapan na rin ito.

Pero kinakaya ito lahat ni Zsa Zsa dahil alam niyang kailangan siya ni Dolphy sa lahat ng oras.

Patuloy pa rin ang dating ng mga malalapit na kaibigan ni Dolphy at nagdarasal para sa kanya.

 

MEDYO MASAYA naman ang susunod kong tsika sa inyo, kasi ito palang si Sunshine Dizon ay nanganak na sa pangalawang baby nila ni Timothy Tan nu’ng nakaraang June 2 pa.

Isang malusog na baby boy ang iniluwal nito na ang kuwento ni Mommy Dorothy, kamukhang-kamukha raw ni Timothy.

Tuwang-tuwa nga raw ang buong pamilya lalo na ang ama ni Timothy dahil lalaki ang sumunod niyang apo.

Ang ipinangalan nila sa baby ay Antonio na kinuha raw nila sa lolo ni Timothy.

Malaki raw ang ipinagbago talaga ni Sunshine lalo nang dumating itong pangalawang baby niya. Pero pinag-iisipan pa rin nitong bumalik sa pag-aartista kaya gusto nitong magpapayat pa muna nang bonggang-bongga bago ito magpakita sa publiko.

Abangan n’yo na lang bukas sa Startalk ang interview namin kay Sunshine at kumustahin na rin natin siya kung  ano na talaga ang plano niya pagkatapos niyang manganak.

Sa GMA-7 pa rin ba siya o totoong may offer nga sa kanya ang TV5 at magiging Kapatid talent na rin siya.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Sa mga kritikal na oras
Zsa Zsa Padilla, nasa tabi lang ni Dolphy

    • boy hindii ito ang oras para mangbastos k ng tao tulad n zsa zsa, alam mo nman ang sitwasyon nila kaya dasal n lang ang itulong mo s kanila, ngayon kong ayaw mo kong wala k din nman masabing maganda wag k nlang magcomment.

Leave a Reply

Your email address will not be published.