Sa mga isyu sa kanila ni Jennylyn Mercado
Luis Manzano, masyadong malayo raw sa katotohanan

MASAYANG-MASAYA SI Luis Manzano ngayon sa takbo ng kanyang career. Bukod kasi sa kabi-kabila ang kanyang TV shows, happy in love daw talga siya kay Jennylyn Mercado.

Nakausap namin si Luis last Tuesday sa Long Bar at Raffles Hotel in Makati sa launching ng Spring Summer Collection 2013 ng Swatch.

Bago makaalis ng venue, nagpaunlak ng panayam si Luis at masaya siyang patuloy siyang pinagkakatiwalaan na isa sa endorsers ng wrist watch brand.

Lahad niya, “I think it’s my second or third na sa Swatch and I’m so thankful sa kabaitan nila. And Swatch, they really know how to throw a party kahit ganito kaaga pero still ang saya-saya na. Thank  you Mama Virgie (Ramos) and congratulations to the whole Swatch family.”

Bukod sa kanyang endorsements, abala rin si Luis sa kanyang apat na programa sa telebisyon – Minute To Win It, Deal or No Deal, ASAP 18 at Pilipinas Got Talent (PGT) Season 4. May pahinga pa kaya siya sa dami ng kanyang shows?

Natatawa niyang tugon, “Araw-araw, nagkakataon kasi na lahat ng shows ko as hosting lang at saka taped, so kahit papa’no I get to rest. ‘Di katulad ng teleserye o pelikula, du’n medyo yari ka.”

Marami ang nakapansin na ang mga contestant sa PGT ay nag-level up ang mga ipinakitang talento.

Pagmamalaki niya, “Ganu’n talaga, ibig sabihin ganu’n ka-talented and ganu’n ka-diverse ang puwedeng ihanda ng mga Pinoy. Nakikita nga natin na hindi lang singing ang puwedeng ihanda ng Pinoy. Ibang-iba talaga.”

Kamakailan lamang, nakausap namin ang kanyang amang si Edu Manzano at sinabi nitong pagdating sa usaping

puso, kayang-kaya ng anak niyang i-handle ang sarili.

Tugon ni Luis dito, “Oo naman. Sa tanda ko ba namang ‘to?”

Muli naming inusisa sa kanya ang balita tungkol sa secret marriage daw nila ng girlfriend na si Jennylyn Mercado. Ano nga ba ang katotohanan dito?

Nakangiting sagot niya sa amin, “’Yun nga sinabi ko, may kasal, may break… eh, mag-usap nga sila kung ano muna. Kasi masyadong malalayo ‘yung mga kinakalat nilang tsismis, eh.”

Sa ngayon daw ay, “Okay na okay kami, kaya nagugulat kami na may kasal, may break, but we’re perfectly okay.”

Pero may plano na kaya silang lumagay sa tahimik ni Jen?

Pahayag niya, “Ikaw na nga ang may sabi na parang hindi ako natutulog, ‘di ba? Paano pa ako maghahanda para sa kasal?”

Sa huli, ang usapin naman sa pulitika ang nilinaw ni Luis. Dati kasi, sobrang visible siya sa Lipa, Batangas kaya marami ang nagsabi na baka tatakbo nga siyang Mayor doon. Pero hindi naman nag-file ng kanyang Certificate of Candidacy si Luis, so wala talagang balak ang anak ni Governor Vilma Santos na sumunod sa yapak nito. Ano kaya ang masasabi niya rito?

Aniya, “Sabi  ko naman, ibang tao ang dumadaldal kaysa sa akin, ‘di ba? Ako naman if I decide na if I wake up one day na I want to serve, eh ‘di I will, (kaso) ‘di pa naman.”

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.