Sa mga isyu sa kanila: Cristine Reyes, hindi ipinagtanggol ni Dennis Trillo! – Chit Ramos

MATINDI MARAHIL ANG pagkaka-untog ni Jolo Revilla nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon, kung kaya’t balak niyang huwag na munang magkaroon ng love life ngayong 2010 at i-focus muna ang puso at isipan sa kanyang career.

“Wala naman akong pinagsisisihan,” aniya. “Pero, hindi yata ako masuwerte sa love life. Mas mapalad ako sa career, kung kaya’t kung sino ang magmamahal sa akin, iyon din ang susuklian ko ng pagmamahal.”

Tinutukoy ni Jolo ay ang Pepeng Agimat series niya sa Kapamilya station na napapanood tuwing Sabado ng gabi. Nag-Pasko at Bagong Taon, pero hindi natinag ang ratings nito hindi lamang sa Maynila, kundi sa buong ‘Pinas. Naglalaan pa rin kung ganu’n ang mga tao ng oras na mapanood ang serye niya, kahit abala ang mga tao sa paghahanda ng Noche Buena at Media Noche.

At dahil napakaganda ng resulta ng Pepeng Agimat posibleng i-launch na si Jolo sa kanyang 1st solo movie. Hindi pa puwedeng tukuyin kung anong movie outfit ang magpo-produce nito. Napatunayan kasi ni Jolo na kakaibang action star siya at tunay na may “bisa” ang agimat na hawak-hawak niya.

“Hindi ko rin maintindihan kung ano ang nangyayari sa puso ko,” katuwiran niya. “Matindi kasi ako kung magmahal. Todo-todo, basta ikaliligaya ng mahal ko. Wala akong itinitira para sa sarili ko. Hindi ko naman pinababayaan ang career ko. Pero ganu’n yata ang kapalaran ko, hindi puwedeng pagsabayin ang career at love life. Maraming katulad ko sa showbiz, pero mayroon ding suwerteng pagsabayin ang love at career. Susundin  ko na lang kung ano ang daan na dapat kong tahakin. Uunahin ko ang career, dahil ito ang nararapat sa ngayon.”

MUKHANG INAALAT DIN si Cristine Reyes kapag ipinagpipilitan niyang sundin ang itinitibok ng kanyang puso nitong nakaraang taon. Buti na lang at hindi ito nakaaapekto sa profession niya. Habang tuluy-tuloy ang kirot ng kanyang puso, siya namang dami ng projects na ginagawa niya.

Dumating sa sukdulan ang kanyang sakit ng kalooban nitong ipino-promote niya ang Darling kong Aswang. “Nagkausap na kami ni Dennis (Trillo), at tinapos na namin ang aming relasyon. Pero kahit kailan ay hindi niya ako ipinagtanggol. Ako tuloy lagi itong nababalitang habol nang habol sa kanya. ‘Yun namang nababalita ay a thing of the past na. Pati ‘yung kay Heart Evangelista ay inaamag na balita na, pero ‘yun ang laging nauungkat. Sana this 2010, maiba naman ang pag-usapan tungkol sa akin,” natatawang wika niya.

Actually, natawa lalo si Cristine nang mabago, kahit konti ang lalaking na-link sa kanya. “Hindi na si Dennis,” kuwento niya. “Nagpaka-safe na nga ako na magpa-escort sa pinsan ko sa awards night ng Metro Manila Film Festival. Pero pinaghinalaan din ang pinsan ko na bago ko raw boyfriend. Sabi pa, na-link daw ang “kasama ko” kay Heart noon at ngayon naman ay sa akin. As if intertwined talaga ang buhay namin ni Heart. Hindi po, dahil pinsan ko nga po ang escort kong iyon.

“As far as Dennis is concerned, malaya na siyang manligaw sa iba. Wala na talaga kami. Nakapag-move on na ako. Pero, ayaw ko na munang ma-in love this year.”

ISA PANG HUMABOL kay Jolo at Cristine for her New Year’s resolution ay si Pauleen Luna.

After Mayor Sherwin Gatchalian and Dennis Trillo (na naman), bakasyon na muna daw siya sa pakikipag-boyfriend.

Nang tanungin kung may selos pa siyang nararamdaman ngayong may iba nang idini-date ang dati niyang mayor na BF, sagot niya, “Diyos ko naman, matagal na ‘yung sa amin. Alangan namang hindi na siya titingin o manliligaw ng ibang babae. Okey lang iyon. He’s entitled to it. Tsaka, ang tagal na naming hindi nagkikita, ni nagkakausap. ‘Yung kay Dennis naman, short-lived lang ‘yun. Ni hindi nga yata kami seryoso sa isa’t isa. Naging close lang kami dahil magkasama sa isang serye. Nang matapos ang project, fly away na rin ang closeness namin.

“This time, I enjoy being alone. Lagi nga akong nasa bahay. Sobra kong na-miss ang bahay namin. Ang sarap din palang mapahinga sa bahay. Ang sarap din pala ng feeling na wala akong pinaninimbangan. Kasama kasi sa isang relasyon ang problema. Walang nagmamahal na hindi nasasaktan.”

Sa kaso ni Pauleen, hindi naman daw naging hadlang sa kanya ang ma-in love at napapabayaan niya ang kanyang career.

“Marunong akong hawakan ang puso ko. Just the same, nakakapagod din. Kaya mas mabuti pang ibakasyon ko talaga ang puso ko.”

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

3 thoughts on “Sa mga isyu sa kanila: Cristine Reyes, hindi ipinagtanggol ni Dennis Trillo! – Chit Ramos

  1. ma’am chit, typo lang po ba yung MAYOR SHERWIN ORDOÑEZ na naging bf ni Pauleen Luna? SHERWIN GATCHALIAN po yata dapat. thanks!

  2. Hello?! I saw Cristine leave Fiamma with Dennis midmorning of January 1st and it was obvious they were together…ask Kapuso starlets Ehra and Michelle as well as former Kapuso Angel.

  3. Crush na crush ko talaga si Cristine Reyes, kung ako si Dennis ipagtatanggol ko siya sa abot ng aking makakaya!

Leave a Reply

Your email address will not be published.