Sa mga ibinibintang sa ex-GF na si Angelica Panganiban;
Derek Ramsay, nakiusap na tigilan na

NAKIKIUSAP SI Derek Ramsay na ibalik sana sa kanya ng kung sinumang nakakuha ng rosaryo na naiwan niya nang mag-shoot sila sa UST last Monday para sa isang proyektong ginagawa niya sa kasalukuyan. Napakahalaga para sa aktor ng nasabing rosaryo dahil regalo iyon sa kanya ng mga madre ng Our Lady of Mediatrix ng Lipa nang magsimba siya rito nu’ng nakaraang taon.

Pakiramdam ni Derek, proteksyon niya iyon at mula nang maibigay sa kanya ang nasabing rosaryo ay marami nang magagandang bagay na nangyari sa kanya, kaya nalungkot nang husto ang aktor nang naibaba niya at nakalimutan ito sa UST dahil sa sobrang pagod at puyat mula sa shows kasama ang ibang Kapatid stars para i-promote ang TV5 sa ibang bansa.

Hiningan namin ng reaksyon sa pagkaka-link ng girlfriend na si Angelica Panganiban kina John Prats at John Lloyd Cruz, hangga’t maaari ay ayaw na ring magbigay pa ng komento ni Derek sa issue na ibinabato sa ex-girlfriend pero nakiusap ang hunk actor na sana ay tumigil na ang iba sa paggawa ng mga issue laban kay Angel, dahil babae ito at napaka-unfair na pinagbibintangan ito ng mga issue na walang katotohanan. Nandu’n pa rin ang malalim na malasakit, respeto at pagmamahal sa aktres sa kabila ng break-up nila, consistent pa rin naman si Derek sa pagsasabing hindi siya nagsasarado ng pinto, na maari silang magkabalikan ng ex-girlfriend.

Tinanong namin kung may katotohanan ba ang balita na magme-merge na raw ang TV5 at GMA-7, kung kaya’t bukod daw sa prinomote na sa America na panoorin ang TV5 at GMA shows ay napanood na ang promotion ng Cignal TV sa Kapuso Network, kung saan sila ni Derek at Sharon Cuneta ang mga pangunahing artista na napanood dito.

Ayon kay Derek, ‘di naman lingid sa kaalaman sa showbizness na may negosasyon na nagaganap sa pagitan ng dalawang networks, pero wala siya sa posisyon na magsalita tungkol dito. Para sa aktor, excited at nilu-look forward niya kung matutuloy ang nasabing negosasyon dahil makapagbibigay ito ng mas maraming trabaho sa ibang tao bukod pa sa magsisilbing tulay ito para makatrabaho ng mga taga-Kapatid Network ang mga talents naman ng Kapuso Network and vice-versa.

 

ISANG SEXY at daring na Nina ang gumulantang sa lahat nang lumabas ang Soul Siren bilang cover ng May and June issue ng Playboy Philippines magazine. Ang theme, ala-Burlesque na may kuneksyon sa mga proyektong nakalinya niyang gawin, ang nagkumbinse kay Nina na tanggapin ang alok na ito ng Playboy Philippines.

Hindi naman kinabahan habang sinu-shoot ang nasabing cover dahil pinaghandaan talaga ito nang husto ni Nina, istriktong diet at dinoble ang sipag sa pagte-tennis, yoga at boxing ang ginawa ng singer na hanggang sa ngayon ay ginagawa pa rin niya kahit tapos na ang pictorial shoot niya.

Ayon kay Nina, hindi na niya kayang ulitin kung anuman ang ginawa niyang pagpo-pose sa nasabing magazine pero bukas naman siya na mag-cover uli sa ibang men’s magazine kung maganda ang theme na ihahain sa kanya. Siniguro rin sa amin na wala silang dinaya sa kaseksihang makikita sa kanya sa cover na ito. Mahusay ang photographer ng magazine na si Raymond Saldana na nahanapan siya ng tamang anggulo para magmukhang mahaba ang legs ni Nina sa kabila na petite siya.

Hindi naman ito naging issue sa 6-six year non-showbiz boyfriend, dahil pinaalam naman niya ito nang maayos at pinaliwanag kung bakit ito tinanggap. Nagbitaw ng salita si Nina na hindi siya gagawa ng anumang bagay na ikakababa o ikaka-disappoint ng boyfriend at maging ng mga tagahanga niyang sumusuporta sa kanya.

Masaya at kuntento sa itinatakbo ng relasyon nila ng non-showbiz boyfriend, sa kabila ng nauusong break-ups ngayon sa showbizness ay nagsabi ang Soul Siren na hindi sila makikiuso rito, kung ‘di kapag naging trending na ang mga relasyong panghabang-buhay.

Co-manager ang Viva sa ngayon, masaya si Nina sa magagandang mga proyekto na nakalinya niyang gawin. Hindi nakikita ang sarili sa mga serye pero bukas sa hosting at paggawa ng mga theatrical plays. Aalis nga ng bansa sa June 25 patungong Singapore kasama ang kapatid na si King para mag-acting workshop in preparation sa isang musical play na nalalapit nang gawin ni Nina

 

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

Related Post

loading...

4 thoughts on “Sa mga ibinibintang sa ex-GF na si Angelica Panganiban;
Derek Ramsay, nakiusap na tigilan na

  1. saw saw etong c derek.. mapagusapan lang xa dahil laos na yan sa paglipat nia ng tb5.. bakit c shaina hinde nagsasalita kc d nia need ng pr dahil sikat parin xa dagil nasa dos c shaina

  2. Mr Derek Ramsey, never pang nagproduce ng job ang isang merger, it always losses jobs po. kaya nga tinawag na merger eh it merge into 1 and you eliminate the rest to save money.

Leave a Reply

Your email address will not be published.