Sa mga fans na nag-aaway sa bet nila para kay Mikay
Enrique Gil: Ayoko ng Drama… Work Lang!

HUMAHATAW NGAYON sa ratings ang Princess and I na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Enrique Gil, at Khalil Ramos. Lalong nagiging kapana-panabik gabi-gabi ang bawat eksena sa buhay ng ating mga bida.

Patok sa mga manonood ang nakakikilig na kuwento ni Mikay (Kathryn) na nakatagpo ng tatlong lalaking tapat na umiibig sa kanya – ang astig at mayamang si Gino (Daniel), ang maharlikang si Prince Jao (Enrique), at ang best friend niyang si Kiko (Khalil). Kahit sino namang babae ay hahaba ang buhok kapag nasa katayuan ni Mikay, hindi ba?

Kaya naman hindi maiiwasan na magkaroon ng kumpetisyon sa parte ng mga fans na may kanya-kanyang manok kung sino sa kanilang palagay ang talagang nababagay para kay Mikay. Iyong teenager nga na anak ng kaibigan ko ay kilig na kilig sa loveteam nina Mikay at Gino. Walang pinalalampas na episode sa telebisyon at pati mga magazines kung saan featured ang dalawa ay binibili. Inipon pa niya ang kanyang baon para makabili ng CD ni Daniel.

Ayon sa artikulo ni Bernie Franco sa Push.com.ph ay aware daw si Enrique tungkol sa ganitong klase ng kumpetisyon ng mga fans para sa tatlong loveteams ng Princess and I. “Sa Twitter pa lang, nag-aaway ang mga fans. Ako, ayoko ng drama. Sa akin, work lang. At least may fans si Daniel, si Khalil, so at least everyone is happy.”
Dagdag pa niya, ang importante sa kanya ay marami siyang napapasayang mga tao ngayon.

Enrique entered showbiz in 2008 at simula noon ay patuloy na ang pagdating ng magagandang projects sa kanya tulad ng Mula Sa Puso, Good Vibes, Budoy, at ASAP. Sa ngayon ay mayroon siyang upcoming Star Cinema movie titled The Reunion with Enchong Dee, Xian Lim, and Kean Cipriano.

Naaalala ko tuloy ang role ni Kim Chiu sa My Binondo Girl. She played Jade who had three leading men in the series – Xian Lim (Andy), Jolo Revilla (Onyx), and Matteo Guidicelli (Trevor). Marami ring mga fans ang ‘di magkamayaw dahil may kanya-kanya silang bet para kay Kim, pero sa bandang huli ay namayani ang KimXi/Jandy power. Sino kaya kina Gino, Prince Jao at Kiko ang magwawagi naman sa puso ni Mikay? Abangan.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

12 thoughts on “Sa mga fans na nag-aaway sa bet nila para kay Mikay
Enrique Gil: Ayoko ng Drama… Work Lang!

  1. Jao and MIkay! This should be obvious for any viewer who looks at the whole story and not just the LTs. The love angle is just a part of the whole plot. Try to imagine it as just a story in a book you’re reading. let’s not put faces to the character first, to avoid any bias. No Kathryn, no Daniel, no Enrique. Just characters in a fictional story. Now,while reading the story and as the plot starts to unfold, can you honestly say that you’re rooting for a MiGi endgame? I guess not. =)))

  2. I go for Jao and Mikay! Plot-wise, it ties the whole story together! and undeniable din ang chemistry between the two. sana wag paghaluin ang fiction at totoong buhay. Nonsense ang kuwento pag si Gino at Mikay ang nagkatuluyan. Now, the Daniel-Kathryn romance is another story. =)))

  3. go for JAO-MIKAY sila ang may chemistry sa totoong drama hindi pacute ang dating nila unlike gino-mikay masyadong patweetams ang dating. but not necessarily for real. sa princess & i lang.

  4. mas gusto ko ang JaoMik mas maganda ang tandem nila sa Princess & I. Pero kung sa true to life si gino ang bagay kay katleen.

  5. Sobrang kinikilig ako sa JaoMik, sa serye na ito marami talaga ang nakakpansin sa chemistry ni Enrique at Kath.  Mostly yung hindi nakakapanood ng growing up.  I can’t blame the teenagers sa pagkahumaling nila kay Daniel kahit di ko maintindihan.  Kaya sana wag niya sayangin ang paghanga na yun at maging mabuti syang ehemplo sa mga kabataang humahanga sa akin.

  6. gwapo lang si quen pero walang karisma na katulad ng kay daniel, kaya naungusan na ni daniel pagdating sa popularity..

  7. sa itinatakbo ng istorya ng princess and i, bet ko yung sina kathryn at enrique. i fairness naman may chemistry sila. parang yung character nina daniel at khalil eh sa ngayon eh parang panggulo lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.