Sa mga dawit sa pork barrel scam
‘Magpakamatay na kayo’ – Miriam

MAY MABIGAT na pahayag si Senador Miriam Defensor-Santiago laban sa mga senador na nadadawit sa pork barrel fund scam.

Ayon kay Sen. Santiago, mabuting magpakamatay na lamang umano ang mga ito dahil nakahihiya na ang idinudulot sa Kongreso.

Sinabi ng mambabatas na nakalulungkot na mula pa sa matataas na tao sa lipunan ang nakakaladkad sa katiwalian sa bansa.

Sakaling makulong ang mga kasamahan dahil sa pork barrel scam, hindi umano niya dadalawin ang mga ito, bagkus padadalhan niya lamang ng CDs ng kanyang mga talumpati para may mapakinggan sa buong maghapon.

Sa kabilang dako, may posibilidad pa umanong maging state witness ang sinasabing nasa likod ng P10 bilyong pork barrel fund scam na si Janet Lim-Napoles.

Sinabi ng senadora na ito ay kung ituturo ni Napoles ang matataas na opisyal ng gobyerno na utak ng naturang katiwalian.

Kung hindi man umano magsasalita, maaari pa rin siyang mapaamin sa mga sangkot sa pork barrel scam dahil kakailanganin niya para maidepensa ang sarili.

Samantala, naniniwala rin si Santiago na may malalaking tao na backer ni Napoles kaya marami ang nangahas na gumamit ng pork barrel fund.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

2 thoughts on “Sa mga dawit sa pork barrel scam
‘Magpakamatay na kayo’ – Miriam

Leave a Reply

Your email address will not be published.