Sa Metro at karatig-probinsiya Transport strike, kasado na sa lunes

WALA NANG MAKAPIPIGIL sa militanteng grupo ng mga tsuper at operators para sa gagawin nilang transport strike sa susunod na linggo.

Matapos na ibasura ng gobyerno ang apela, itinakda na ng Piston (Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide) ang transport holiday sa Setyembre 19, Lunes sa Metro Manila kasama na ang mga karatig na lalawigan.

Ang gagawin nilang pagkilos ay bilang protesta u-mano sa nangyayaring overpricing ng mga malalaking kumpanya ng langis, ayon kay Piston secretary general George San Mateo.

Dismayado sila sa nangyaring dialogue kahapon sa pagitan nila at ng Pangulong Benigno Aquino III, dagdag pa ni San Mateo.

Maliban sa isyu ng overpricing, kabilang pa sa mga isyu ng grupo ang kahili-ngang pagbasura sa Oil Deregulation Law at 12 percent expanded value added tax sa mga petroleum products.

Wala naman umanong balak ang ibang transport groups gaya ng Fejodap at Pasang Masda na umanib sa itinakdang transport holiday.

Una na ring nagbabala ang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi sila mangingiming kanselahin ang prangkisa ng mga transport group sakaling mauwi sa malawakang pagkaparalisa ng transportasyon ang nasabing kilos-protesta.  (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.