Sa madugong hostage-taking ng HK nationals: Krissa Mae Arrieta, takot gantihan?!

NAKABALIK NA SA bansa si Bb. Pilipinas-International 2010 na si Krista Kleiner o mas kilala bilang si Krissa Mae. Lunes ng madaling-araw nang dumating siya at mismong ang boyfriend niyang si JayR pa nga umano ang sumundo sa kanya sa airport.

Marami nga ang nagulat nang mamataan silang magkasamang nagtungo sa Quirino Grandstand kung saan naganap ang malagim na hostage drama na ikinamatay ng walong turista mula sa Hong Kong. Kitang-kita nga raw ng mga taong nasa paligid nila kung paano naging emosyonal itong si Krissa Mae nang mag-alay ng panalangin at mga bulaklak para sa mga naging biktima ng nasabing trahedya.

Nasa Amerika umano ang dalaga nang mangyari ang hostage drama. At dahil sa madugong kinahinatnan nito, may mga kaibigan nga umano siyang natatakot nang magbakasyon sa Pilipinas. Hindi rin daw ma-imagine ng actress-beauty queen kung gaano kahirap at kasakit ang sitwasyong pinagdaranan sa ngayon ng pamilya ng mga napatay at naging biktima ng nabanggit na insidente.

Bagaman hindi lahat ng Hong Kong nationals o ng Chinese community na kumukundena sa nangyari ay galit sa mga Pilipino, nag-aalala pa rin daw si Krissa Mae sa posibleng maging epekto nito sa nalalapit niyang pagku-compete sa Miss International pageant na gaganapin sa China.

Batid umano niya ang pagdadalamhati at kalungkutang nararamdaman ng Chinese people sa sinapit ng kanilang mga kalahi sa nangyaring hostage drama. Umaasa raw siyang mauunawaan ng lahat na isa lamang isolated case ang nangyari. At ang mga Pilipino ay hindi naman nga raw masasamang tao.

Shocked din daw si Krissa Mae nang mabalitaan ang biglaang pagkamatay ni Bb. Pilipinas-International 2009 Melody Gersbach sa isang fatal car accident sa Bula, Camarines Sur more than a week ago. Aniya, gusto umano niyang ialay sa yumaong beauty queen ang kanyang paglaban sa Miss International.

Hindi man daw sila nagkaroon ng chance na maging close as friends, ramdam umano niya ang koneksiyon nila sa isa’t isa dahil sa kanya nga raw nito ipinasa ang titulo at korona bilang Bb. Pilipinas-International. Natatandaan pa nga raw niya that very moment that she was being crowned by Melody, niyakap pa raw siya nito. At that gave her the feeling daw na may connect siya rito.

Tungkol naman sa pagkakapanalong 4th runner-up ni Maria Venus Raj sa katatapos na Miss Universe pageant, happy raw si Krissa Mae para sa Bicolanang beauty queen. Hindi raw dagdag pressure ito sa kanya na kailangang maging runner-up din siya kundi man niya makuha ang Miss International crown. Ang tanging nararamdam umano niya ngayon ay mas nai-inspire daw siya ngayon na ibigay ang kanyang one hundred percent sa paglaban sa nasabing pageant.

And speaking of the recently concluded Miss Universe pageant, usap-usapan ang sinasabing pagpunta roon ni Krissa Mae para manood. Naloka raw kasi ang ibang naroon sa Mandalay Resort & Casino (na venue ng Miss U 2010) when she appeared nang bonggang-bongga nga raw roon wearing her crown and sash as Bb. Pilipinas-Internatonal 2010.

May ganyan?

Ano naman ang masama? Baka type lang ni Krissa Mae na mai-promote din ang Miss International pageant habang nanonood siya ng Miss Universe. At saka karapatan niya naman kung gustuhin man niyang isuot ang kanyang crown and sash saan man siya magpunta.

Naman!

AT LEAST, NABIGYANG-LINAW ni James Yap sa interview sa kanya ng Showbiz Central na kinikilala rin niya ang kanyang anak sa ibang babae bago pa sila ikinasal ni Kris Aquino at dumating nga sa buhay nilang mag-asawa si Baby James. Tahimik na raw kasi ang buhay ng mga ito na ayaw na lang niyang madamay pa umano sa gulong pinagdaranan niya ngayon.

Masaya na raw ang nasabing girl na ngayo’y may anak na rin sa napangasawa nito. Nagpapasalamat daw nga siya rito sa pagiging disente na hindi na nakisawsaw pa sa sitwasyong kinakaharap niya ngayon.  Darating din daw ang tamang panahon na magkakausap sila tungkol sa anak niya rito.

Kung wala pa kayang asawa ang babaeng unang nabuntis niya, babalikan kaya niya ito? Nagsisisi kaya si James na mas pinili niya si Kris na pakasalan kesa sa nasabing girl?

Kasi’y kung ito ang kanyang nakatuluyan, baka naging masaya at matibay ang kanilang pagsasama dahil siyempre magiging private ang pagsasama nila bilang mag-asawa. Hindi ‘yong bawat nangyayari ay naka-broadcast sa publiko.

‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

12 thoughts on “Sa madugong hostage-taking ng HK nationals: Krissa Mae Arrieta, takot gantihan?!

  1. sumama cya julio para maging dancer at makatikim kay julio hehehe di ba ang daming mga lalaking pinagpasapasahan yan si kressa at jr nga ang huling kumasa at nagyabang nang nanalo sa bb. pilipinas pageant.nasobrahan sguro sa plane palang plano na nya na magdrama siya agad para mapansin..at buang nga talaga nanood ng ms.u nakasuot pa ng sas at yong korona daw nay..ano ba yan tingin talaga ng ibang tao may sira ulong napadpad doon.sabagay dito sa tate ok lang ordinardyo lang yan.buang na kressa mae OA masyado kala mo mabinta na siya.
    true lele talaga kakahiya parang ako ang nahiya sa inasal nya kc kapwa pinoy..ang ibang mga taong makakita sa video isipin talaga buang ang babaeng yan kressa mae buang.

  2. Krissa Mae Arrieta, takot gantihan?

    Ang lakas naman ng apog ng babaeng ito. BAKIT? Feeling ba niya mananalo siya? I am sure, PAG NATALO itong babaeng ito ay ISISISI niya sa hostage taking na nangyaria ng pagkatalo niya. ME RASON NA SIYA NA HINDI SIYA NANALO KASI galkit ang mga Chinese. Grabe ang sira ng tuktok ng babaeng ito.

    Bigla na lang sasama ke Julio Iglesias. Iniwanan ang lahat para alng maging dancer ni Julio. Yan ba ang babaeng dapat manalo ng Miss International? At saka WALA SIYANG GANDANG PILIPINA!!! Foreign na foreign ang looks niya kaya hindi maipagmamalaki ng Pilipinas kung makapasok man siya kasi parang walangd sdugong Pinay. Nakuha lahat sa dugo ng banyaga ang kanyang itsura.

  3. BAD TASTE!!! Things like this shouldn’t be used as publicity. If you are really sincere, you shouldn’t have brought the press with you. SHAME ON YOU!

  4. ok lang kung si flor contem…yon pinoy at dapat lang iyakan…huh nakakagulat ang inasal nya parang nga talaga may tama sa sobrang excited nya sa korona nya kala nya tama ang ginawa ng trulele na kressa na yan kakatawa siya parang kulongo ang utak.
    ok lang naman ang umiyak ka kung meron dapat iyakan pero kung magpakitang gilas ka lang para maipakita mo sa mga tao na kunyare nagmalasakit eh kung plastik nanay ko po eh sa ginawa nya halatang puro yabang ang hangarin pakitang tao baga…kakatawa siya parang kulang2…hoy kressa mae bulok yan style mo kakatawa ka parang si conching buang..hahaha..hayyaayay.

  5. actually, naalala ko kay krissa mae si socialite baby arenas noong sinalubong nya sa airport ang mga labi ni OFW flor contemplacion, lols!

  6. SOS pati pag iyak nya inaatake nyo na nman!!! BUTI NGA SYA NAG ALAY NG DASAL AT NAKIDALAMHATI SA MGA NASAWI! AT SA GANONG PARAAAN NAIPAKITA NYA NA MAY MALASAKIT SYA SA MGA PAMILYA NG NAMATAY! MEANS NAFEEL NYA UNG MAWALAN NG MINAMAHAL! AT LEAST ALAM NYA UN! TO THINK NA TAU ANG MAY KAGAGAWAN NG NANGYARI MEANS TAUNG MGA PINOY ANG REPONSABLE SA NANGYARI D MAN NATIN LAHATIN PERO PINOY ANG MAY KAGAGAWAN AT SA PNAS MISMO NANGYARI! MAY POINT NAMAN SYA EH! SANA MAINTINDHAN NG CHINESE PEOPLE ANG NANGYARI! KAU DAKDAK KAU NG DAKDAK! BUTI NGA SYA MAY NAITULONG KAHIT PAANO NAGDASAL AT NAG ALAY NG BULAKLAK! EH KAU KAYA?!! NUNG LUMABAS ANG ISYU MAY GINAWA BA KAU?!!! XEMPRE MERON! NAGDALDAL KAU NG TODO PERO NIMAGDASAL PARA SA MGA NASAWI D NYO NAGAWA! KAYA THINK EVERYTHING U SAY PEOPLE!!! WAG KAU ATAKE NG ATAKE SA SIMPLENG BAGAY LNG! KUNG NI SA SARILI NYO WALA DIN NMAN KAUNG GINAWA! GETZ NYO?!!KAYA GANYAN ANG PNAS DAHIL SA PAG UUGALI NYONG BULOK!

  7. biruin mo nga naman nag iiyak itong kressa mae na ito anong plano nya at super drama siya…kakahiya pwee sira ulong babaeing ito nakakahiya.at ano kaya ang ibig nyang palabasin don sa ginawa nya kakatawa siya nakita ko nga sa tv isip ko agad may sayad sa utak nga talaga tong babaeng ito.kc hindi ko talaga ma gets bakit nya ginawa yon.sinto sinto nga yata.

  8. si kressa mae parang may sayad sa ulo tingin ko sa kanya…biruin mo nag iiyak eh hindi nman nya kaano ano ok lang sana kung pinoy..ano ba yan parang may sayad yata itong babaeng ito…tapos nanood ng ms u nakasabit pang sas at crown nya,,,kuliling nga yata itong si kressa mae…kasayang tingin ko may sayad talaga sa utak..

Leave a Reply

Your email address will not be published.