Sa madugong bakbakan sa Sabah Palasyo, Sinisisi ang mga Kiram

IBINALIK NG Palasyo ang sisi sa mga Kiram kaugnay sa nangyaring trahedya kung saan 15 katao ang nasawi, 12 dito ay mga Pinoy na kasapi ng Sulu Royal Security Forces.

Ayon kay Presidential Communications Sec. Ricky Carandang, kung nakinig lang sana ang mga Kiram, hindi sana nangyari ang madugong bakbakan.

Sinabi pa ni Carandang na simula pa sa unang araw ng standoff ay ginawa na nila ang lahat para sa payapang resolusyon.

Kahapon, muling pinulong ng Pangulong Noynoy Aquino ang mga kinauukulang opisyal ng pamahalaan para pag-usapan kung paano matapos na ng payapa ang tensyon at maiwasan na ang karagdagang karahasan.

Samantala, aminado raw silang hindi pa natatapos ang tensyon at hindi pa alam kung saan ang grupo ni Raja Mudah Kiram na pinuno ng mahigit 200 pumasok sa Lahad Datu.

“Kung nakinig lamang sila, hindi sana nangyari ito,” ani Carandang.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.