Sa loob ng isang taon, ‘di nagkaroon ng paistaran sa May Bukas Pa

SINUSULAT ITO AY huling taping na ng May Bukas Pa sa Subic. Kahit si Albert Martinez ay nasa Kung Tayo’y Magkakalayo na, nandu’n siya para sa kanyang huling eksena kung saan magkikita na sina Mayor Enrique at si Santino.

Sina Maja Salvador at Rayver Cruz naman ay harutan nang harutan habang si Santino naman ay bitbit ang kanyang dalawang kapatid na lalaki (siya ang panganay sa tatlong magkakapatid).

Kami naman ni Arlene Muhlach ay parang hindi na magkikita, dahil lungkot na lungkot kami kasama pati mga kargador namin at tatlong tsismosas.

“Habang wala pang kasunod na teleserye, concentrate muna uli ako sa trabaho ko sa duty free,” sabi ni Arlene.

“Sir Ogie, sana magkaroon naman kaming tatlo ng kasunod na show,” sey naman ng isa sa mga tsismosa, si Kimberly.

Juice ko, isang taon din ang inilagi sa ere ng May Bukas Pa at dito sa show na ito namin naramdaman na walang bida, walang paistar at walang paimportante.

Lahat, pantay pantay. Kahit sina Albert, Tonton Gutierrez at Ms. Dina Bonnevie, walang kaere-ere sa katawan.

At higit sa lahat, prangkahan na: kabuhayan showcase ang inihatid sa aking pamilya ng May Bukas Pa. At ano pa nga ba? ang pagiging proud na maging bahagi ng isang number one primetime show!

Salamat sa inyo, mga kapamilya. Meanwhile, panoorin n’yo mamaya ang huling yugto ng May Bukas Pa, para mas mahalin n’yo si Santino at ang buong cast.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

9 thoughts on “Sa loob ng isang taon, ‘di nagkaroon ng paistaran sa May Bukas Pa

  1. ganda tlga ng may bukas pa,, pag uwi ko,, gusto ko ttlaga makita si SANTINO sana me fans day para sa batang yon!!! love you and more power,, mwah mwah mwah

  2. grabe ang iniluha ko sa seryeng MAY BUKAS PA! kahit na noong nakakaraan, lalo na kapag lumalabas sa eksena si BRO!

    nitong huling linggo as in pinaiyak talaga ako ng sobra! grabe!

    i love you BRO!

  3. JOPET, kung ‘di mo nakita si ogie sa MBP, isa lang ang ibig sabihin niyan! hindi mo pinanood ng serye.

    At ang sinasabi mong natapos ng ganon-ganon lang? paano natapos ng ganon-ganon lang eh isang taon na umere ang serye at pinataob lahat ng katapat na serye ng kabila istasyon? mag-isip ka nga mabuti!

    alam mo ba na napakalaking aral at inspirasyon ang ibinigay ng seryeng MBP?

    dapat nga siguro pinanood mo ang MAY BUKAS PA para hindi nababalutan ng galit at inggit ang puso mo!

    ito na ang panahon ng dapat ay magbalik-loob tayo sa DIYOS. hangga’t maaari alisin natin ang galit, inggit at sama ng loob sa ating puso.

    magbalik-loob ka na kapatid kay JESUS para matutunan mo ang tamang daan!

  4. tapos nb yn may bubas pa?
    ano ba storya? para kz perya? nandon kb ogie diaz? parang ndi kita napansin…kaloka..natapos lang ng ganon ganon lang…hahahahhah

  5. wahhhhhhh mamimiss ko cast ng MAY BUKAS PA naiyak kami sa ending ng MBP.. lahat kami umiiyak…sana di muna nila tinapos……ganyan talaga mamamatay sya gaya kay marcelino…

Leave a Reply

Your email address will not be published.