Sa loob ng isang taon… Dating boldstar Kuhdet Honasan, ikakasal ulit!

NATATANDAAN N’YO BA si Kuhdet Honasan? Yes si Kuhdet ‘yung aktres na isa sa mga rebel beauties na ipina-kilala sa showbiz mid-90s.

“Kasal na kami sa Mosque ng husband ko nito lang April, pero ikakasal uli kami ngayong September dahil iyon ang ipinangako ko sa aking mga magulang at kapatid,” pahayag ni Kuhdet sa Pinoy Parazzi, na nagsabi pang hindi raw niya sineryoso ang naunang kasalan nila ng kanyang husband. “Parang ngayon ko lang talaga narararamdamang ikakasal ako.”
Ayon kay Kuhdet, hindi niya ikinakahiya ang mga ginawa niyang paghuhubad noon. “Wala akong pinagsisihan sa aking ginawa. In the first place, naghubad ako at marami naman ang nagandahan sa aking katawan. Big achievement ko na ring maituturing iyon, at least mara-ming humanga sa aking ginawa.”
Sinabi ni Kuhdet na isang piloto ang kanyang husband at siya naman ay nagmamay-ari ng maraming business. Kaya hindi siya nasadlak sa kahirapan na tulad sa ibang boldstar na ngayon ay mahirap pa sa rat.
Teka, sino kaya itong kasabayang aktres noon ni Kuhdet na ngayon ay nasa loob ng mental hospital dahil sa sakit sa utak? Ang nasabing aktres ay nagkaroon na ng acting award, pero dahil sa droga ay nasira ang buhay ng aktres.

 

KAMAKAILAN, MASAYA NAMING nakausap si Eugene Domingo. Parang walang pinuntahan ang kuwentuhan namin. Ayon kay Uge, nagtataka raw siya. Parang malas daw siya sa pag-ibig gayu’ng hindi naman siya kapangitan.

Ayon pa sa kanya, sinadya niya noon na huwag pakinggan ang tibok ng kanyang puso kahit type niya ‘yung lalaking nagpapasaring sa kanya. Kasi raw mas malakas ang sigaw ng kalam ng kanyang sikmura kaya work to death ang kanyang ginawa.
Pero paglipas ng ilang panahon, stable na ang financial ni Uge, tsaka naman daw iniiwasan ng mga kalalakihan ang kanyang beauty. Hindi naman daw siya pihikan, basta raw mamahalin siya at ang kanyang anak ay keri na iyon. Pero ang problema ay parang nai-intimidate daw ang mga guys. Sobra na raw kasi ang ganda niya.

“Diyos ko, ‘day! ‘Pag nakikita nila ang beauty kong ito para silang natataranta at hindi na nila masabi ‘yung pag-ibig nila sa akin. Kaya hayun, kusa na ring nawawala ‘yung nararamdaman nila. Kainis, ‘di ba?” At sinabayan ng halakhak ng aktres.
Sa kabilang banda, ayon kay Uge, liberated siya pero hindi ibig sabihin noon ay kahit na sino na lang ang kakalabit sa kanya ay okey na.

“Basta para sa akin, time na para magkaroon ako ng lovelife, pero ang problema ang lovelife yata ang ayaw sa akin,” sabi pa ng aktres sa kanyang pagwawakas.

MALAYO NA TALAGA ang nararating ni Vice Ganda. Hindi na siya ‘yung dating puwedeng maglakad kahit saan nang walang pumapansin. Ngayon kahit saan magpunta ang komedyante ay talagang nakikilala siya.
Sa totoo lang, nagtataka kami kay Vice kung anong power siya at nagagawa niyang agawin ang atensiyon ng mga kabataan at tinututukan ang lahat ng kanyang mga eksena partikular na sa programang Gandang Gabi, Vice.
Honestly, sa bahay namin, bukod sa mga Koreanovela ay ang Showtime at Gandang Gabi, Vice ang pinapanood ng dalawa kong anak. Na tinanong ko kung bakit, na ang sagot ng dalawa kong binatilyo ay naaliw raw sila kapag nang-ookray na si Vice.
Pero habang dumarami ang naaaliw kay Vice, lalong lumiliit naman ang mundo niya sa mga ordinaryong tao. Hindi na kasi niya magawa ‘yung mga bagay na nakasanayan niya noong siya ay maglulupang bakla. Tsuk!

More Luck
by Morly Alinio

Related Post

loading...

4 thoughts on “Sa loob ng isang taon… Dating boldstar Kuhdet Honasan, ikakasal ulit!

  1. Very inspiring itong si Kuhdet Hunasan kasi maski naging bold star sya pero ginagamit pa rin nya ang kanyang utak at naging successful sa buhay. Sana yong ibang nag bold dyan gamitin din nila ang utak nila. Yong iba dyan nag drugs, e ano naman ang mapala doon sa mga drugs na yan, wala namang ROI yong drugs. Nakakasira lang yon health natin at overall sa buhay ng tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published.