Sa loob lang ng 1 linggo 3 patay sa Dengue sa Iloilo

ILOILO CITY – TATLO na ang naitalang patay sa loob lang ng isang linggo dahil sa Dengue Hemorrhagic Fever sa lungsod na ito. Ang mga naging biktima ay may edad na tatlong taong gulang, 12-anyos at 14-anyos.

Ayon kay Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog, ipinag-utos niya ang pagsasagawa ng clean-up drive at iminungkahi sa mga magulang na dalhin kaagad sa pinakamalapit na pagamutan ang mga miyembro ng pamilya na kakikitaan ng mga sintomas ng Dengue.

Isang ordinansa naman ang ipapasa ng committee on health ng Iloilo City council na siyang magiging basehan sa magiging hakbang ng lungsod laban sa Dengue.  (Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.