Sa launch ng isang magazine Solenn Heussaff, walang bra at panty!

BUMAHA NG MGA artista, pulitiko, negosyante, models, athletes at mga tao mula sa alta sosyedad ang launch ng Esquire Magazine noong Miyerkules ng gabi sa Peninsula Hotel Makati. Napaka-successful nang unang sultada ng nasabing magazine na ang nasa cover ay ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Kanya-kanyang patalbugan sa kanilang designer gowns ang celebrities na isa-isang rumampa sa red carpet.

Dito rin namin nakausap si Bea Alonzo kasama ang kanyang boyfriend na si Zanjoe Marudo. Kinumusta namin si Bea sa kalagayan ng kanyang puso at malugod naman niyang pinaunlakan ang aming katanungan. “Ngayon mo lang ako nakitang nag-glow, ‘di ba? Ngayon lang ako super blooming,” pag-describe pa niya sa estado ng kanyang puso.

Tumanggi namang magpa-interview si Zanjoe at mas pinili na lamang nitong alalayan ang kanyang girlfriend na napakaganda sa suot nitong gown.

Inusisa rin namin si Bea tungkol sa balitang diumano’y lipatan issue, from ABS-CBN to TV5, pero sagot ni Bea, “Matagal pa ang kontrata ko sa ABS.” Kaya raw walang katotohanan ang mga tsismis na siya ay mag-o-ober the bakod na.

 

SA LAUNCH PA rin ng Esquire, hindi mapigilan ng mag-inang Ruffa Gu-tierrez at Annabelle Rama na magpahayag ng kanilang pagpuri kay Raymond Gutierrez.

Ani Ruffa, “Naku siya na nga ‘ata ang mas yayaman sa amin sa ganda ng kanyang career,” patungkol sa bagong career ni Raymond na Style Director ng Esquire.

Sabi naman ni Annabelle,“Proud na proud ako sa ‘yo anak lalo na nu’ng tinawag ka kanina sa stage at ipinakilala bilang bahagi ng magazine.” Congrats!

 

MARAMING MGA ARTISTA ang sobrang daring sa kanilang mga kasuotan sa launch pa rin ng Esquire magazine. Isa na nga rito si Phoemela Barranda na halos labas na ang dalawang pisngi ng kanyang dibdib. Pero sabi pa ni Phoem, da-ring na may pagka-sosyal naman daw ang kanyang kasuotan na gawa ni Rajo Laurel.

Si Maxene Magalona naman ay medyo daring din ang gown na may mga part na may butas na nagpapakita ng kanyang skin.

Ang sobrang daring sa lahat ay si Solenn Heussaff na walang panty at bra sa kanyang gown na may tirintas lamang sa likuran at lumabas na halos ang pisngi nang kanyang puwet.

Nagpiyesta naman ang mga photographers sa mga celebs na halos labas na ang kaluluwa sa napakalaking event ng Summit Publishing.

 

BLIND ITEM: SA isang taping, napansin namin ang isang indie actor na may bit role sa isang teleserye. Tawa nang tawa ang isang make-up artist dahil napansin niyang loose thread ang garter ng boxers ng indie actor.

Nagbiro na lamang ang make up artist at sinabihan ang indie actor na, “Sa’n ba nakakabili ng ganyang boxers?” sabay pakawala ng tawang napakalutong.

Sinetch ang indie actor na ito? May dalawa siyang indie film na palabas sa ngayon, hahaha!

 

Twitter: @arnielcserato; Facebook: heavenscents2002@yahoo.com; E-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa arnielcserato@gmail.com.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

8 thoughts on “Sa launch ng isang magazine Solenn Heussaff, walang bra at panty!

  1. Itong si Arniel Serato bakit pa ba dinideskitahan pa ang loose thread ng boxer short na ito, wala na bang iba. Ako rin may blind item about sa isang writer na talagang super malaki ang forehead, sino itech????? Aber nga?????

  2. dapat sa baklang to ginigilitan ng leeg… walang kwenta ang mga blind item.. pati boxer shorts pinagaaksayahan ng panahon..

    ganito na ba kabobobo ang mga showbiz writers ngayon?

    ang daming estupidong writers dito sa paparazzi na dapat sinisisante haller!

  3. nothing wrong with a loose thread. give the guy a break. people can be so mean and judgemental. kayo na rin ang nagsabi na 2 ang indie movies niya. di ba maliit lang ng kita ng indie films.

  4. Grabe nmn tong bi na to….dapat mga ganyang bagay kahit artista pa yan dapat hinahayaan na lng.wag na lng palakihin pa kc masyadong below the belt nmn to.helllo looose thread na boxer???yung mga pasaway at ngdodroga na lng na artista I-bi mo pra my kwenta nmn.

Leave a Reply

Your email address will not be published.