SA LAKAS NG AVENGERS: Ai Ai delas Alas, napaatras

Ai-Ai delas Alas

BIGLA may changes. Bakit nag-iba ng playdate ang musical film ni Ai Ai delas Alas na Sons of Nanay Sabel (SONS) na produced ng Viva Films?

Originally, today na dapat ipapalabas ang pelikula pero only this weekend, bigla ko na lang napansin sa mga art cards na naglalabasan at promo on social media ng pelikula na na-move na the following week (May 8) ang showing ng movie ng komedyante.

Natakot kaya ang ang marketing arm ng Viva na makipagsabayan sa pelikula tungkol sa possession ng demonyo na Maledicto ni Tom Rodriguez na sa poster pa lang, nakalutang na sa ere ang isa sa mga na-possessed na karakter sa movie? Sa pelikula, sina Inah de Belen at Miles Ocampo ay nasapian ng demonyo at si Tom, playing Fr. Xavi naman ang excorsict na mag-aalis ng demonyo sa katawang lupa nina Inah at Miles.

Sa pag-iba ng playdate ng SONS ay makakasabay naman ng pelikula ng komedyante na mga bida sina Gabby Concepcion at Jodi Sta. Maria.

Ex Battalion with Ai Ai delas Alas

We’ve learned na isa sa mga main reason ng pag-atras ng pelikula ay dahil sa bonggang-bongga na pinipilahan sa box-office ang pinaguusapang The Avengers: End Game na sigurado ay super pila pa rin this week ang mga manonood at malamang sa hindi ay makakaapekto ito sa pelikula ni Ai Ai kasama ang Ex Batallion with the sexy Kylie Versoza.

Sayang nga naman na babangga ka sa pelikula na halos buong bayan ay gagastos at magbabayad para sa Hollywood movie na ito na may cult following lalo na ang mga Milley (millennials) na numero uno fan ng pelikula.

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.