Sa lahat ng pinagdaanang intriga
Maja Salvador at Gerald Anderson, nananatiling matatag ang relasyon

Gerald-Anderson-Maja-SalvadorKAMAKAILAN LANG ay nagpost si Maja Salvador sa kanyang Instagram account ng isang slideshow ng mga romantic photos nila ni Gerald Anderson. May caption itong Habambuhay Ikaw at Ako ang Magkasama # Believe. The post had gone viral in various social networking sites.

Maja was previously interviewed by Buzz ng Bayan kung saan naging emosyonal siya while talking about her lovelife at mga intrigang patuloy na ibinabato sa kanya. She also clarified the details of her Instagram post. Kanta raw ito ni Yeng Constantino at hashtag niya for 2014 ang Believe.

Hindi maikakailang maraming pinagdaanang kontrobersiya sina Gerald at Maja noong nakaraang taon. They get hurt with all the intrigues being hurled at them. Tao lang naman kasi sila na umaaray kapag nasasaktan. But they remain strong and in-love gaya ng ipinapahiwatig ni Maja sa kanyang post.

Hiningan ng reaksyon si Gerald ng Buzz ng Bayan tungkol sa nasabing Instagram post ni Maja. “Iyon naman talaga [ang] purpose ng Instagram, just to say what you feel. Pero… sweet siya,” he said. Kahit sino naman sigurong lalaki ay kikiligan at ganito rin ang magiging comment kapag nakita ang sweet post ng girlfriend sa Instagram.

Can the public expect some changes from Gerald this 2014? “Oo naman. Siyempre mayroon talagang mangyayari na negative pero lahat ng negative na nangyari noong 2013 nasa 2013 lang siya. You have to have a very positive outlook sa buhay at iyan ang goal ko for 2014.”

When asked about his relationship with Maja this year, he said, “Day by day lang naman. Ayaw ko ring lagyan ng pressure.”

Sa ngayon ay parehong busy sa kanilang career sina Maja at Gerald. Maja is part of the cast of The Legal Wife where she plays Nicole, the mistress of Jericho Rosales’ character. Samantala, kasama naman si Gerald sa upcoming teleserye na Dyesebel kung saan siya gaganap bilang si Fredo, ang human lover ni Dyesebel.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.