Sa lahat ng male celebrity sa ‘Pinas Coco Martin, pinakasikat sa Canada!

AMONG MALE stars sa Pilipinas, ang maitutu-ring na pinakasikat at talaga namang inaabangan ng mga kababayan nating naninirahan sa Canada ay ang ABS-CBN prime artist na si Coco Martin.

Tsika nga ng mga kababayan natin sa Canada, handa silang magbayad ng ticket kahit gaano ito kamahal kapag nagka-show ito sa Canada, basta masilayan, makamayan at makapagpalitrato sila kay Coco.

Lagi nga raw silang nakatutok sa mga shows kung saan kasama si Coco, kaya naman hit na hit sa Canada ang bago nitong soap sa Kapamilya Network na Walang Hanggan.

At sa kasikatan ni Coco sa Canada, sabay ring umindayog ang kinang ng bituin sa nasabing bansa ang ka-loveteam nito sa nasabing serye na si Julia Montes, na isa sa sikat na sikat na young star din sa Canada.

Ilan pa sa inaabangan na magkaroon ng show sa Canada ay ang grupo ng Tween Hearts na kung sikat sa Pilipinas ay sikat din sa Canada ang kanilang youth oriented show.

 

GAANO KAYA katotoo ang nakarating sa aming balita na one day pa lang daw na nakita at nakasama ni Iwa Moto ang itinuturong BF nito sa ngayon na si Leandro Muñoz ay na-in love kaagad ang magandang dilag at nahulog ang loob sa balik-bayang aktor?

Kaya naman daw ang ending ay ora mismong naging constant textmate at parating pagtatawagan ang mga ito na nauwi na nga sa pagiging magkatipan.

Kaya naman daw kinakabahan ang mga kaibigan ni Iwa na baka muling masaktan na naman ito katulad ng mga nauna nitong relasyon, dahil nga sa bilis ng mga pangyayari na naging sila ni Leandro ay baka ganu’n din kabilis na maghiwalay ang mga ito.

Masaya nga raw ang mga friends ni Iwa na masaya na muli ito sa kanyang bagong pag-ibig, dahil ‘yun naman ang gusto nila, ang maging masaya ang kanilang kaibigan. Pero ayaw raw nilang makitang malungkot ulit ito na ang dahilan ay pag-ibig.

 

ITINODO NA raw ng hunk actor na si Aljur Abrenica ang pagpapa-sexy sa pelikula nila ni Rhian Ramos na My Kontrabida Girl ng GMA Films.

Kung dati kasi, asiwa at ‘di mapapayag si Aljur na mag-trunks sa pelikula o sa mga shows nito sa telebisyon ay napa-oo ng GMA Films na mag-trunks ito sa MKG.

Kaya naman daw isa ito sa aabangan ng mga manonood ng nasabing pelikula, dahil minsan lang daw magta-trunks sa pelikula si Aljur at baka ‘di na maulit muli.

 

IF EVER daw na magkakaroon ng bagong show ang isa sa controversial young actor sa bansa na si Teejay Marquez ay gusto nitong makasama si Jennylyn Mercado.

Tsika ni Teejay, hindi pa siya artista ay biggest crush na niya si Jennylyn, kaya naman daw gustung-gusto nitong makatrabaho ang mahusay na aktres lalo na’t pareho silang nasa bakuran ng Kapuso Network, kaya malaki ang posibilidad na matupad ang pangarap nito.

Alam daw nito na marami siyang matututunan pagdating sa pag-arte, dahil isa sa magaling na artista sa kanyang kapanahunan si Jennylyn.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

12 thoughts on “Sa lahat ng male celebrity sa ‘Pinas Coco Martin, pinakasikat sa Canada!

  1. sikat really? I dont understand how talking to two or three people from the Filipino Community in Canada is enough for someone to claim na sikat na ang artista overall? Please lang sino ba itong tween hearts na sinasabi nya? Sa lahat ng filipino na kilala ko dito sa Canada, wala ni isa na nagsabi na gusto nila ang tween hearts casts hahaah.. as for Walang Hanggan, masasabi ko na mas tinatangkilik nila noon ang Budoy at yung My Binondo Girl in Kim Chui kaysa Walang Hanggan pero all in all Coco is quite well liked. Legacy from GMA is also much talked about here lately. Halos wala naman kilalang artista ng gma overseas na tweens. Buti pa nga ang mga child stars mas kilala. hahah

  2. TWIN HEARTS SIKAT???? HELLLOOOOOOOOOOO HINDI NAMAN ATA KAPANIPANIWALA!!!! SIGURO MAY NATANGGAP NA GROCERIES ITONG WRITER MULA SA KINAUUKULAN, HEHEHHEEHEE, REMEMBER, GROCERIES LANG ANG KATAPAT MASABI LANG NA NAGRERATE ANG SHOW NILA, HAHAHAHAHAHAHA!!!!

  3. tang inang tween hearts yan, walang kwenta!!!! lahat ng artista at shows ng GMA walang kalatoylatoy. Bubblegang at eat bulaga lang ang ok.

  4. KRISSY ano naman pakealam mo? ganyan ka ba kaFan ni John Fontanilla? at talagang ang hilig mo mangealam? hahaha poor u

  5. haha…tama krissy…hoping n wlang tween hearts at teejay marquez…hay naku, d n xa nkakatuwa para lng lalo nyang ipinapakita n desperate ang show ng tween hearts dahil ipinipilit panoorin..

  6. hahahaha walang hiya kang fontanilla ka! hahaha akala ko pa naman wala nang tween hearts ang maisusulat mo pero naisingit mo pa talaga at pati sa write up kay coco? hahahahahaha publicist ka nga talaga ng tween hearts! hahahahahaha ok na sana yung kay coco eh tapos biglang “Ilan pa sa inaabangan na magkaroon ng show sa Canada ay ang grupo ng Tween Hearts na kung sikat sa Pilipinas ay sikat din sa Canada ang kanilang youth oriented show” natawa talaga ako sa pag singit ng mga pilit na pinasisikat na mga tween hearts! hahahaha 

Leave a Reply

Your email address will not be published.