Sa kawalan ng proyekto Jay-R Siaboc, inuumaga sa pag-inom at pagkanta sa videoke bar

HULI NAMING NAPANOOD kumanta ang Pinoy Dream Academy o PDA season 1 alumna na si Jay-R Siaboc sa isang show na pinrodyus ng aming nirerespetong kapatid sa panulat na si Jobert Sucaldito sa Zirkoh Morato sa Quezon City nitong October.

In fairness, maganda pa rin ang boses n’ya at mukhang name-maintain na n’ya ang kanyang pangangatawan. Dati kasi ay lumobo ang katawan ng singer.

Ang hindi lang namin matandaan ay kung saan at kailan namin huling napanood si Jay-R sa TV, lalo na sa ASAP XV.

Pero balita namin ay madalas umano na nakikita si Jay-R sa Beach House comedy and videoke bar sa tapat ng SM Southmall sa La Piñas City, hindi para mag-show kundi para mag-good time daw with his friends.

Nu’ng Linggo, November 7, pasado alas-tres ng madaling-araw raw dumating mag-isa ang singer sa nasabing bar to meet up his friends na mga una nang dumating doon. Before 5 a.m. daw ay nagbi-videoke pa at medyo umiinom pa ito.

Kung sa bagay, kung hindi naman s’ya regular na sa ASAP XV o wala naman s’yang guesting do’n, o ibang trabaho that day, keri lang naman siguro ‘yon.

Sana nga mabigyan pa rin ng pagkakataon si Jay-R na ma-share ang kanyang singing talent either sa TV o sa iba’t ibang shows sa mga bars, o out-of-town/country shows.

NAPANOOD NA NGA natin ang pagbabalik ng dalawang beteranong brodkaster na sina Noli de Castro at Korina Sanchez sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol last Monday with Ted Failon.

Masaya ang ambience sa loob ng studio kung saan nagkukuwentuhan at nagbibiruan pa ang tatlo kasama si Gretchen Fullido, kada-commercial gap. Bukod sa mga staff at crew, at mga boss sa news and current affairs ng Dos na nasa studio, may ilang mga empleyado rin ng ABS ang nando’n para mapanood nang live ang pagbabalita ng dalawa.

Matapos umere, tinanong namin si Korina kung ano ang pakiramdam n’ya sa kanyang pagbabalik-newscast. “I don’t know yet. I’m still in daze,” sagot ng multi-awarded broadcast-journalist.

Aminado namang medyo nalilito sa pangalan ng mga artista ang ating former vice-president Noli Boy. “Puro pangalan ng mga pulitiko natin kasi ang alam ko,” nakangiting pag-amin nito.

Aside from Kabayan and Koring, kasama na rin sa bagong bihis na TV Patrol ang seksing Star Patrol field reporter no’n na si Gretchen Fullido, kapalit ni Phoemela Baranda as Star Patrol segment host. “Actually, hindi pa nagsi-sink in sa akin ‘to,” chika ng sexy host/reporter sa amin.

Ayon sa aming source, last Friday lang daw kinausap ng management si Gretchen at hindi pa raw sila nagkakausap ng kanyang pinalitang si Phoemela.

Saang show kaya mapupunta ngayon si Phem at ano ang kanyang reaksiyon sa pangyayaring ito?

SA TAAS NG ratings ng fantaserye nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin na Imortal sa Dos, mapa-Mega Manila man o nationwide, may nasagap kaming chika na soon ay hindi lang natin sa TV ito mapapanood, kundi maging sa big screen din.

Alam na kaya ito ng dalawang bida ng Imortal, pati ng kanilang mga direktor?

Malamang, mas magiging maganda ito ‘pag isina-pelikula ng Star Cinema.

Ugaliin n’yo pa rin pong makinig ng Wow! Ang Showbiz! over at DWIZ 882 Khz on AM band, Mondays to Fridays, from 11 AM to 12 NN, with Ogie Diaz, Friend Rommel Placente and Ms. F a.k.a. Fernan de Guzman. Maraming salamat po!

Franz 2 U
by Francis Simeon

Related Post

loading...

19 thoughts on “Sa kawalan ng proyekto Jay-R Siaboc, inuumaga sa pag-inom at pagkanta sa videoke bar

  1. bagay nga silang dalawa(angel & john lloyd)
    angel-nagpalaglag ng anak sa london at ang nag-paaral sa kanya isang matanda chinese at my sex scandal kasama ay chinese…………
    john lloyd-na vaginal lock dahil gumagamit ng viagra
    bagay na bagay sila dahil pareho silang nakakadiri,hahaha

    • hindi ko alam yung kay angel about abortion pero yung kay John Lyod is true… he used viagra kaya nahirapan taggalin yung etits niya sa kepyas ni shaina

  2. yah il0ve im0rtal,the best kah tlga angel l0csin, bagay kau ni j0hn l0yd’ g0 kapamilya’ lupet tlga primetime ny0h

  3. tama qa lht ng nagsa2v na copy ang imortal ingit lng kc dbest tlaga ang imortal no. 1 yan para skin yahoooooooooo.! iluv it hahah!!! mamatay qa sa ingit kupal!

  4. karen and juluis are far better than korina and noli. the last pair seemed to lost their charisma and credibility in newscasting.

    • PWEE.!!! KOPYANG KOPYA SA LOBO, AVATAR AT TWILIGHT ZONE. MAG ISIP NAMAN KAYO NG ORIHINAL, HINDI BA KAYO NAHIHIYA NIYAN? SAKA MAY EDAD NA SI ANGEL LOCSIN, HINDI NA BAGETS, HINDI NA TEENS, E ANO..? E DI TITA NA. (huag magalit, dahil totoo naman)

Leave a Reply

Your email address will not be published.