Sa kasong katiwalian Lozada, Nagpahayag ng ‘Not Guilty’

 

ISINAILALIM NA sa arraignment ng Sandiganbayan ang tinaguriang National Broadband Network (NBN)-ZTE whistleblower na si Rodolfo “Jun” Lozada Jr.

Ito’y may kaugnayan sa dalawang kaso ng katiwalian na isinampa laban sa kanya noong pangulo at chief executive officer (CEO) pa ng Philippine Forest Corporation (PFC).

Tulad ng inaasahan, not guilty plea ang naging tugon ni Lozada sa Fifth Division matapos na basahan ng sakdal.

Isinagawa ang nasabing arraignment makaraang hilingin ni Lozada na makalabas ng bansa mula Nobyembre 1 hanggang 4 para pumunta ng Hong Kong Disneyland at Macau kasama ang pamilya nito.

Kasunod naman ng pagbasa, pinayagan na rin si Lozada na makalabas ng bansa pero inatasang magbayad ng P180,000 travel bond.

Samantala, inatasan din siyang makipagkita sa clerk of court ng Fifth Division pagbalik ng bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.